top of page
Kim Chiu at Lauren Dyogi - KimPau Fanatics page.jpg

Nagsalita na sa away daw nila… JOPAY, WALANG AMBISYONG PALITAN SI ROCHELLE BILANG LIDER NG SEXBOMB

Writer: BULGAR
BULGAR
54 minutes ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 25, 2026



Jopay Paguia-Zamora at Rochelle Pangilinan - FB

Photo: Jopay Paguia-Zamora at Rochelle Pangilinan - FB



Binigyan ng pagkakataon ni Sen. Imee Marcos ang dating Sexbomb member na si Jopay Paguia na magpaliwanag at ibigay ang kanyang reaction sa mga ipinahayag ni Rochelle Pangilinan nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) sa podcast niyang Imee & You (I&Y).


Sa halip na ipagtanggol ang sarili, minabuti na lang ni Jopay na huwag nang sagutin ang mga issues na binanggit ni Rochelle.


Ang tanging itinanggi ni Jopay ay ang diumano’y gusto niyang maging leader ng Sexbomb Girls (SBG).


Tulad ni Rochelle, pinanindigan din ni Jopay na professional siya sa trabaho. Kaya kahit may injury siya, pinilit pa rin niyang mag-perform sa ilang shows ng Sexbomb Girls, lalo na sa kanilang reunion concert series.


Sey pa ni Jopay, wala silang professional rivalry ni Rochelle, at hindi niya ambisyon na palitan ito bilang leader ng SBG. Minsan lang ay may mga tampuhan sila na hindi maiwasan.





Tutok ngayon ang gobernadora ng Batangas na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa kanyang trabaho at aminado siyang bagama't hirap at napapagod, kailangan niyang panindigan at patunayan sa kanyang mga constituents na hindi sila nagkamali sa kanilang pagboto sa kanya.


Kaya naman sa ngayon, ayaw pa raw isipin ni Gov. Vilma ang susunod niyang hakbang sa pulitika kahit pa may mga nagtutulak sa kanya na kumandidato sa pagka-senador.

Mas posibleng gumawa na lang si Gov. Vi ng pelikulang mag-iiwan ng kanyang legacy sa showbiz.


Sa dami ng naging achievements ng Star for All Seasons, deserve naman niyang magpahinga at i-enjoy ang kanyang senior years. Kaya humihingi si Gov. Vi ng pang-unawa ng kanyang mga loyal fans na sumuporta sa kanya ng ilang dekada.


At this point of her life, wala nang maaaring hilingin ang isang Vilma Santos. Kahit na sabihin pang naging mailap sa kanya ang mabigyan ng karangalan bilang National Artist, maluwag niya itong tinanggap. Sabi nga niya, kung sadyang meant for her, ibibigay sa kanya sa tamang panahon. Wala siyang bitterness sa kanyang puso.





DINUMOG ng mga estudyante ang opening ng 3rd Puregold CinePanalo Film Festival sa Gateway Cineplex nu'ng Sept. 23 bilang suporta sa mga kapwa nila estudyante na gumawa ng short films at nakapasok bilang entries sa naturang filmfest.


Nabigyan sila ng pagkakataon upang mapanood ng marami ang kanilang obra! 

Nagpapasalamat ang mga sumaling films sa Puregold at kay Mr. Vincent Co sa suportang ibinigay sa mga lumahok.


Malaki rin ang naging partisipasyon ni Direk Chris Cahilig sa tagumpay ng 3th  Puregold Cine Panalo Film Festival. Inaasahang mas marami pa ang lalahok sa susunod na taon.


Nagpapasalamat din ang mga baguhang producers sa mga artistang hindi humingi ng malaking talent fee at tinanggap na gumanap sa kanilang pelikula. May mga staff pa nga na hindi na nagpabayad nang malaki para lang mabuo ang pelikula.


Sa unang araw ng PCPFF, maraming pelikula ang na-soldout ang screenings tulad ng Patay-Gutom nina Khalil Ramos at Ian Pangilinan. 


Hanggang Oktubre 4 pa mapapanood sa mga sinehan ang 7 full-length at 19 short films na kalahok sa CinePanalo Filmfest ng Puregold kaya may chance pa ang mga ‘di pa nakakapanood.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page