top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tunay ba na may tone-toneladang ginto ang pamilya Marcos?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2022
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 21, 2022



NAG-PLATEAU na ang graph sa datos ng mga tinatamaan ng COVID-19.


Ibig sabihin, walang ibang susulingan ito kundi ang dumausdos!


◘◘◘



NAGKAKAISA ang lahat, mild symptoms lang ang epekto ng Omicron variant.


Salamat kay Lord!


◘◘◘



PAGHANDAAN na ang pagkawala ng virus.


‘Yan ay sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga negosyo!


◘◘◘



MAGLALAGAY daw ng vaccination area sa mga pharmacy.


Mainam naman!


◘◘◘


IBINASURA ng Comelec ang isa pang disqualification case laban kay ex-Sen. Bongbong Marcos.


Una, una lang ‘yan!


◘◘◘


LUMILITAW ngayon na tanging si VP Leni ang pinakamalapit na karibal ni Marcos.


Pero, pinaaasa nila si Isko na makakakahabol pa!


◘◘◘


SA ilang survey, higit sa 60 porsiyento ang agwat ni Marcos kay Robredo.


Pero, may puta-putaking straw vote na nasa 50-50 ang labanan ng dalawa.


Komporme sa sektor at lugar!


◘◘◘


TULIRO rin ang mga local candidates.


Epekto ‘yan ng sobrang haba ng kampanya.


Matira ang may dirty money!


◘◘◘



IBINABALA na ang pagkatuyot ng dam.


Ano’ng ginagawang solusyon para rito?

Wala!


◘◘◘


TUMATAAS din ang presyo ng petrolyo.


Wala ring solusyon!


◘◘◘


MAY papalapit daw na asteroid sa earth.


Pwes, bakit hindi tayo lumayo?


◘◘◘


MAY tubig daw na natagpuan sa Moon.


Aba’y sabihin ninyo ‘yan sa Maynilad!


◘◘◘


ALIENS daw ang tao sa ibabaw ng mundo.


Huh, ngayon n’yo lang ba nalaman?


◘◘◘


SARADO ang mga simbahan.


Pati si Lord na puwersahang nai-quarantine!


◘◘◘



TOTOO raw ba na may tone-toneladang ginto ang Pamilya Marcos?


Aba’y itinanong ninyo kay Lola Basyang!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page