Tumatayming lang sa ex-GF… JAK, TODO-EFFORT NA BALIKAN SI BARBIE
- BULGAR
- Jul 3
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 3, 20255
Photo File: Barbie Forteza at Jak Roberto - IG
Maraming JakBie (Jak Roberto at Barbie Forteza) fans ang kinilig sa eksenang nagkita at nagkausap si Jak Roberto at ang ex-GF na si Barbie Forteza sa ginanap na red carpet ng Beyond 75 anniversary event ng GMA Network. Hindi sila nag-iwasan at hindi nagdedmahan.
Masaya rin ang maraming Kapuso stars na makita ang muling pagtatagpo ng JakBie, kaya naman kahit papaano ay nakasilip ng konting pag-asa ang kanilang mga tagahanga. Wish ng mga JakBie fans ay magkaroon ng second chance ang relasyong Barbie at Jak. At mukhang nag-e-effort naman ang aktor na magkaayos na sila ng aktres.
Naghihintay lang siya ng tamang panahon at hinahayaan muna niyang makapag-isip si Barbie ng tamang desisyon at maging malaya.
Well, pareho muna sila ni Barbie na magpo-focus sa kani-kanilang career. Marami pang pangarap si Jak na gustong matupad at ang tanging nagbibigay ng saya at inspirasyon sa kanya ngayon ay natapos na ang ipinagawa niyang dream house at nabili na nila ang kanyang dream car.
Ang susunod na niyang pag-iipunan ay para sa kanyang investment at negosyo para paghandaan ang kanyang future.
MORENONG AKTOR, LAOS NA PERO FEELING-SIKAT ‘PAG KASAMA ANG GF NA AKTRES IN PUBLIC
BLIND ITEM:
MARAMI na ang nakakapansin sa pagiging OA ng guwapong morenong aktor kapag kasama niya sa mga events ang GF niyang actress. Masyadong clingy at nakabantay o nakabakod si morenong aktor sa kanyang GF kaya turned-off at dismayado sa kanya ang mga fans, maging ang mga reporters at vloggers.
Kaya sinasabihan tuloy siyang ‘user’ o manggagamit at gusto lang daw mapansin muli dahil lang sa relasyon nila ng GF na young actress.
Sobrang excited si morenong actor kapag magkasama sila sa mga showbiz events, feeling bagets siya kung kumilos at umasta. Kaya sa halip na hangaan ay nilalait siya ng media at mga vloggers.
Hindi na gaanong sikat at pinagkakaguluhan ang morenong aktor kaya panay ang dikit sa nobyang young actress, kaya naman nilalayuan o iniiwasan na siya ngayon ng mga vloggers at entertainment press.
Todo-iwas kasi siya na ma-interview kapag nasa mga showbiz events. Mas matindi pa siya sa mga mas sikat at malalaking actor na hindi namimili ng mga fans.
ANG galing-galing ni Kyline Alcantara sa kanyang mga eksena sa seryeng Beauty Empire (BE) kung saan kasama niya sina Ruffa Gutierrez at Barbie Forteza. May pagka-kontrabida ang role ni Kyline bilang si Shai de Jesus na CEO ng isang cosmetic company.
Mahigpit silang magkaribal ni Barbie sa posisyon, nilalait niya si Noreen Alonzo (Barbie).
For sure, manggigigil sa galit ang mga fans ni Barbie at iba-bash si Kyline dahil sa kanyang role sa BE. Kaya pakiusap ng mga fans ni Kyline sa GMA Network ay huwag naman laging kontrabida ang ibigay na role sa kanilang idolo. Baka raw ma-typecast si Kyline at kainisan ng mga viewers. Dati rin namang nagbida si Kyline sa ilang serye ng GMA-7.
Ganunpaman, gusto ni Kyline na maging isang versatile actress kaya tinatanggap niya kahit na kontrabida role. Nagmamarka sa mga viewers ang role na mataray at nang-aapi. Ang mahalaga naman off-camera ay hindi nega at kontrabida si Kyline. Naging magkaibigan nga sila ni Barbie at maging sa lahat ng mga co-stars ay maganda ang kanyang naging pakikisama.
Comments