top of page

Tumatakbong kagawad at tserman, pinagbabaril sa Masbate City

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2023
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 23, 2023


ree

Patay ang isang kandidato sa pagka-kagawad matapos pagbabarilin kahapon sa Brgy. Maingaran, Masbate City.


Sugatan naman ang kasalukuyang brgy chairman na si Joseph Martinez.


Ayon sa inisyal na report ng Philippine National Police, nasa burol ng kapitbahay ang mga biktima nang dumating ang mga suspek na sinasabing kaalyado ng kalaban sa pagka-chairman.


"Habang ito pong mga biktima po at 'yung isa nga po niyang kasama po ay uma-attend daw po ng burol doon sa isang namatay nilang kapitbahay, noong bigla nga po nitong grupo ng mga suspek na kandidato nga po sa pagka-chairman ay bigla nga pong dumaan sa area at bigla na lang daw po na nagkaroon ng commotion," saad ni Acting Chief Col. Jean Fajardo ng PNP Public Information Office (PIO).


Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang walong suspek sa nangyaring pamamaril at pinaigting ang mga checkpoint sa Masbate City.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page