top of page
Search
  • BULGAR

Tumataas na kaso ng cybercrime, ‘di na biro

@Editorial | Abril 11, 2024



Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng cybercrime sa bansa sa unang bahagi ng taong 2024.


Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP Anti-Cybercrime Group, mula noong Enero hanggang Marso 2024, aabot na sa kabuuang 4,469 na mga insidente ng cybercrime ang kanilang naitala.


Mas mataas ito ng 21.84% kumpara sa 3,668 na mga insidente ng naturang krimen na naitala sa fourth quarter ng taong 2023.


Karamihan sa mga kasong ito ay kinabibilangan ng online selling scams na nakapagtala ng 990, sinundan naman ng 319 na mga kaso ng investment scams, at 309 din na mga kaso ng debit/credit card fraud, at marami pang iba.


Ang lumalawak na paggamit ng online platforms para sa shopping, financial transactions, at investment opportunities ay bumubuo sa mas malaking bilang ng mga potential targets para sa cybercriminals. 


Kaya marapat lang na tiyakin ng mga otoridad na  patuloy ang ginagawang komprehensibong training, seminars, at lectures para sa kanilang mga personnel na itinalaga sa cybercrime desks upang mas hasain ang kanilang kakayahan at palalimin pa ang kanilang expertise na makatutulong naman para matiyak ang mas ligtas na online environment.


Paalala rin sa publiko o sa mga netizens, laging maging maingat sa online activities upang maiwasang mabiktima ng ganitong uri ng mga krimen. 


Sa rami ng kaso ng cybercrime, sana’y may naparusahan na at pinagdurusahan na ginawang panloloko.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page