Tumanggap daw ng P10M kay Discaya… “SANA ALL” - KORINA
- BULGAR

- Aug 26
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 26, 2025

Photo: Korina Sanchez - IG
In fairness kay Korina Sanchez, hindi niya ino-off ang comment box ng kanyang Instagram (IG), except doon sa post niya sa P10 million na natanggap diumano niya. Pero ang susunod niyang post, open ang comment box at sinasagot pa nito ang mga comments.
Sa nag-comment na mas bibilib siya kay Korina kung ie-expose nito ang mga kurakot sa construction company, sagot ni Korina, “We already did in Agenda and will keep doing it.”
Sa comment na nagtatanong kung totoong nabayaran siya, sagot ni Korina, “Hindi totoo.”
Pero doon sa post niya kung saan marami siyang sagot sa mga netizens, ‘yun ang in-off niya.
Sayang, maganda pa namang basahin ang mga comments at sagot niya sa mga supporters at bashers niya. May sagot pa nga siya na ‘sana all’ patungkol sa isyung P10M na natanggap niya diumano sa mga Discaya.
Pinalagan ng mga fans ni Dingdong Dantes ang comment ng ilang fans ni Charlie Fleming, ang Pinoy Big Brother (PBB) housemate na makakasama ni Dingdong sa GMA series na Master Cutter (MC).
Nag-comment ang isang fan ni Charlie at nanawagan sa GMA na baka kung anong role lang daw ang ibigay sa ex-housemate.
Disappointed sila na supporting role lang ang ibinigay sa young actress at gusto yata, bida na agad.
Comment pa, baka raw ipareha si Charlie kay Dingdong, bagay na ayaw nila dahil sa age gap ng dalawa.
Pati pala ibang mga fans ni Shuvee Etrata na kasama rin sa series, may reklamo rin dahil baka raw gawing kabit ni Dingdong ang role nito. Hindi nabasa o hindi inintindi ng mga ito ang magiging role ni Shuvee.
Anyway, ang payo ng mga fans ni Dingdong sa mga fans nina Charlie at Shuvee, huwag masyadong mayabang, wala pang masyadong napatunayan ang dalawa, lalo na sa acting. Chill lang sila, malayo pa ang lalakbayin ng career nina Charlie at Shuvee.
Samantala, nag-sorry ang mga fans ni Dingdong—sarcasm nga lang dahil ang sabi, “Sorry that he’s not good enough for your stans. From callous defamatory accusations on him & the network, I guess they are all not worthy of your faves. Sorry na po. SARCASM.”
Speaking of Dingdong, isinelebreyt nila ang Best Actress award ni Marian Rivera sa isang resto sa Solaire. Kasama nila ang mga anak na sina Zia at Sixto, ang lola at mom ni Marian, pati ang stepdad ni Marian at mom ni Dingdong.
Nainlab daw…
MARTIN, UMAMING NILOKO ANG EX-GF DAHIL SA DYOWA NGAYON
KAHIT inaming hindi na siya kasingsikat tulad ng dati, hectic pa rin ang schedule ni Martin Nievera. Nasa Las Vegas siya to visit his family there (kabilang ang apo), bumalik ng bansa para sa launching ng bago niyang album na Take 2 released in vinyl, at kahapon, lumipad siya pa-London para sa A.S.A.P. London.
Dahil siguro sa launching ng kanyang second vinyl album, hindi nakaramdam ng jet lag si Martin. Excited ito sa pagkukuwento tungkol sa album at iba pang bagay. Kaya Take 2 ang title dahil nauna na siyang nag-release ng Take 1 na old hits niya ang kasama sa track.
Sa kanyang new album, OPM songs of other artists and his own composition ang nasa track. Kabilang ang Ngayon at Kailanman ni George Canseco, Special Memory, ‘Di Na Muli at favorite OPM song niya today na Leaves ng Ben&Ben.
Ang composition niyang Forever in Your Eyes ay para raw sa great love niya at ‘yun ay ang karelasyon niyang si Anj del Rosario.
Inamin ni Martin na nagkaroon ng overlapping in his relationship dahil na-in love siya kay Anj kahit in a relationship pa siya with another girl.
May kamahalan ang vinyl, pero worth it daw. Ang linis ng song, ang linaw ng music at iba ang dating na marinig ang ingay ng karayom ng phonograph kapag pinapatugtog na.
Willing si Martin to promote his new album in malls na may mga tao na pupunta to see him, listen to him at magpapirma ng album.
“I missed those times na may mall shows to promote our album. I miss interacting with fans, talking to them, signing on the CDs, and singing for them,” pagbabalik-tanaw ni Martin.








Comments