top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Tumalak sa socmed… ENCHONG, ‘DI PINASAKAY SA EROPLANO, BINANTAAN PA RAW NA BABAWIAN NG VISA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 16, 2026



Enchong Dee - Instagram

Photo: Enchong Dee - Instagram



Naglabas ng saloobin si Enchong Dee sa social media dahil sa matinding frustration sa Air France.


Ayon sa aktor, in-offload siya sa kanyang flight dahil sa visa issue at tinakot pa siya ng ground staff na babawiin ang kanyang Schengen visa. 

Kinailangan niyang bumili ng bagong ticket patungong London at saka pumunta sa Paris.


Sa kanyang post, sinabi niya na nag-enjoy siya sa serbisyo ng Middle Eastern airline at diretsong sinabi na, “@airfrance YOU SUCK!”


Idinagdag pa niya na ang business class service ng Air France ay parang racist dahil siya lang ang Asian sa flight patungong London.


Sa kanyang long post sa Instagram (IG) Story, isinalaysay niya ang masamang karanasan sa Air France nang walang labis, walang kulang.

Sey ng mga netizens:


“Hirap din ‘yun, ah, nakaka-stress.”


“Grabe, puwede dapat ‘yun! ‘Pag Schengen, ang nag-isyu ng visa ay maaaring iyong punto ng pagpasok o bansa kung saan ka pinakamatagal.”


“Enchong could be staying in Paris the longest kaya ‘yun ang visa n’ya kahit Madrid ang entry point n’ya.”


“Totoo. Paano na lang kung mahirap ka at walang pambili ng tickets, ‘kaloka!”

Tanong naman ng isang commenter, “‘Yan ba ay isang patakaran na nagkataon lang? Bago sumiklab ang digmaan, pinayagan akong pumasok sa eroplano sa Dubai papuntang Madrid. Ang visa ko ay inisyu ng embahada ng Dutch.”


May nagpaliwanag naman tungkol sa patakaran, “Una, para sa visa, ang mahalaga ay dapat na tumutugma pa rin ang iyong tunay na paglalakbay sa batayan kung saan inisyu ang iyong visa. Halimbawa, kung ang France ang nag-isyu ng iyong visa ngunit hindi ka pumunta sa France, sa halip ay ginugol ang biyahe sa ibang lugar, maaari kang tanungin. 


“Kung ang Spain ang nag-isyu ng iyong visa, maaari ka pa ring makapasok sa Schengen sa pamamagitan ng France o Germany muna, pagkatapos ay magpatuloy sa Spain. Sa pangkalahatan ay ayos lang ‘yun. Mukhang pupunta si Enchong sa Madrid gamit ang visa na inisyu ng France kaya siya ay tinanong ng Air France. Sa palagay ko ay hindi nila pinagbantaan na babawiin ang kanyang visa dahil hindi nila kaya. Marahil ay binalaan nila siya na maaaring bawiin ang kanyang visa kung magpapatuloy siya sa Madrid.


“Pangalawa, magiging maingat ang Air France o anumang airline kung naniniwala silang maaaring tanggihan ang isang pasahero sa border control. ‘Yun ay dahil ang airline ang sasagot sa gastos ng pagbabalik ng pasahero.


“Tiningnan ko ang IG ni Enchong. Mukhang gusto n’ya ang Spain. May post s’ya sa Spain na gusto n’yang matuto ng Spanish in 2.5 years, so yes, Spain ang final destination n’ya. There’s more to the story na ‘di natin alam.”


“Pakiramdam nila ay racist ang business class sa Air France dahil ikaw lang ang Asyano ru’n? Pakipaliwanag naman po kung bakit sila racist sa ‘yo.”

Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?





JANINE IN, FRANCINE OUT NA SA STAR MAGIC



MAY cute na reaksiyon si Janine Gutierrez sa viral pictures ni Francine Diaz, isang maikli ngunit mapaglarong mensahe na agad nakakuha ng atensiyon ng mga netizens. 


Dating nagkasama sa isang teleserye ang dalawang aktres kung saan umusbong ang kanilang pagkakaibigan.


Sa viral photo ni Francine, nilagyan niya ito ng ‘might delete later’ sa kanyang Instagram (IG) post.


Sa comments section, sumagot si Janine ng “‘Wag mong burahin.”

Sa ngayon, si Janine Gutierrez ay isa nang legit Star Magic artist. Ang nakakalungkot, si Francine Diaz ay hindi na nakatali sa ABS-CBN.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page