top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tumagal lang dahil kay Sarah… MOMMY DIVINE, GINAWANG DYULALAY ANG NAG-APPLY NA SECRETARY

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2022
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | December 21, 2022




Nakatsikahan namin ang isang malapit na kaibigan ng isang dating "trabahador" ni Mommy Divine Geronimo na nagkumpirma na "kakaiba" nga ang istilo ng pamamalakad ng nanay ni Pop Royalty Sarah Geronimo pagdating sa trabaho.


Dahil lumabas na nga ang mga balita tungkol sa mga nagrereklamong empleyado sa gitna ng Kapaskuhan, muling nalalagay sa iskandalo ang nanay ni Sarah.


Ayon pa nga sa katotong si Ogie Diaz (Papa Ogs) sa kanyang YouTube channel, baka umabot pa raw kay Senator Raffy Tulfo ang isyu kung hindi ito aayusin ni Mommy Divine.


Mga isyu sa tamang pasuweldo, benepisyo at ilang personal na bagay na hinahalo sa trabaho ang idinaing ng mga umano'y empleyado ni Mommy Divine kay Papa Ogs.


"Nahiya lang talaga kay Sarah ‘yung friend kong ginawang "alalay" ni Mommy Divine.


Secretarial graduate ‘yun at pang-office ang in-apply-an niyang work," sey ng source namin.


Hirit pa nito, ginawa raw itong taga-bitbit at taga-bilang ng mga regalo ng mommy ni Sarah kapag may mga shows o shooting. Mula sa regalong cakes, kakanin, shirts, mga mamahaling unan, stuffed toys, etc., dapat daw ay accounted for lahat. Kapag may nawala, nabawas o nakalimutan o tinikman-kinain kang hindi mo allowed gawin, sure raw na kaltas ‘yun sa suweldo.


Sadya lang daw talagang mabait si Sarah at tatay nito, na never naging maramot sa lahat ng bagay, kaya medyo umabot pa raw nang ilang buwan ang friend niya bago ito nagpaalam.


OFW na siya ngayon at naaawa siguro sa mga ngayo'y nagrereklamong empleyado.


Well, kaya ba nagbalik-trabaho na si Sarah dahil may mga nakakarating na sa kanyang ganitong pangyayari ngayon?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page