top of page

Tuloy daw ang pakilig sa mga fans… MARIS, SUPER HAPPY NA KASAMA ULI SI ANTHONY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2024
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 1, 2024



Photo: Maris Racal at Anthony Jennings - IG


Parehong na-excite sina Maris Racal at Anthony Jennings nang nalaman nilang magkakasama ulit sila sa TV series na Incognito after Can’t Buy Me Love (CMBL) kung saan nga nag-hit ang tambalan nila.


“Super happy ako na maka-work ulit si Anthony,” masayang sabi ni Maris. 

“And nu’ng nalaman namin na action ‘yung gagawin namin, sobrang-sobrang excited talaga kami.”


Aminado rin ang aktres na medyo may pressure rin sa kanya dahil first time niya ever na gumawa ng action scenes.


“On my end, may pressure kasi hindi pa ako nakasabak talaga ng action ever. Siguro ‘yung action lang na nagawa ko, nadapa, ganyan. Pero dito talaga, may intense training.

“Pero happy kami kasi ‘yung mga scenes na nagawa namin so far, funny. Nakakaaliw ulit na kami ‘yung magbibigay-happiness,” sey pa ni Maris.


Ayon naman kay Anthony, binasa muna niya ang script at natuwa rin siya nang makitang may mga eksena pa rin silang pakilig ni Maris.


“Medyo may kilig pa rin kami du’n, ‘yung pagka-sweet. Hindi naman sobra pero ‘andu’n pa rin ‘yung fun,” sey ni Anthony.


“Alam ko naman na masarap katrabaho si Maris, nagbibigayan kami lagi sa isa’t isa. Happy ako na maka-work si Maris,” aniya.


Kasama rin nila sa Incognito sina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Baron Geisler and Kaila Estrada. Lahat daw sila ay sumailalim sa intense training for 4 months tulad ng martial arts, Muay Thai, tactical combat, and war games.        


“Tapos, ang dami naming pasa palagi,” natatawang sambit ni Anthony.


Sey naman ni Maris, “Super-dami naming pinagdaanan bago mag-day 1. Ang dami naming pinag-aralan, ang daming first time kong ginawa personally na hindi ko ine-expect na makakaya ko.”


Ang nakakatuwa, isa sa mga paghahanda ni Maris para sa kanyang role ay kumain nang kumain para madagdagan ang timbang niya. Kung ang iba’y nagpapayat bilang preparasyon sa proyekto, siya naman ay kabaligtaran.


“Aside from muscle building, I needed to gain more weight para maka-keep-up sa mga gagawin. Kumain lang ako. Order lang ako nang order sa mga lock-in namin,” natatawang kuwento ng aktres.


Ginagampanan ni Maris sa Incognito ang role na Gabriela Rivera na isang skilled spy at expert sa infiltration, habang si Anthony naman ay isang undergraduate military. Magkakasama silang lahat sa isang team.


Ayon naman kay Direk Lester who also directed the very successful The Iron Heart (TIH), ang Incognito ay tungkol sa 7 individuals na may kani-kanyang struggles and challenges na pinagdaanan sa buhay.


“This is a story about seven individuals who are going through a lot of challenges in their lives. Ito ‘yung time ng journey nila na they're aspiring for a second chance,” sey ni Direk Lester.


Ang Incognito ay isa sa malalaking pasabog ng ABS-CBN ngayong 2025. Magsisimula na itong mapanood sa Netflix on January 17 at ipapalabas naman sa ibang Kapamilya platforms including iWantTFC on January 18, Kapamilya Channel, Jeepney TV, TV5, and A2Z on January 20, 2025.



ANG Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCIl) ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa kilalang mang-aawit-songwriter at respetadong negosyanteng si Jose Mari L. Chan para sa kanyang walang patid na suporta sa iba’t ibang socio-civic charitable endeavor nito.


Pinapurihan ng FFCCCII president na si Dr. Cecilio K. Pedro ang mga kontribusyon ni Jose Mari sa isang pagtitipon kamakailan. 


Sa nasabing event ay itinampok din ang malawak na network ng federation composed of 170 Filipino Chinese chambers nationwide from Aparri to Tawi-Tawi.


Ang FFCCCII ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa economic advocacy, calamity relief, libreng medical mission, at suporta sa rural public schools, pati na rin ang pagbibigay ng tulong sa Filipino Chinese volunteer fire brigades.


Nitong nakaraang 6 na matitinding bagyong dumaan, pinangunahan din ng FFCCCI ang Tsino Magkaibigan Foundation na agarang naghahatid ng mga emergency food relief supplies to the hard-hit Bicol region, flood-affected areas of Metro Manila, and other provinces.


Patuloy na tinutupad nina Jose Mari Chan at Dr. Cecilio Pedro ang matagal nang pangako ng Filipino Chinese business community na tulungan ang mga kapwa Pilipinong naapektuhan ng mga sakuna at iangat ang mga mahihirap na komunidad sa buong bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page