top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Proud na ‘di nag-asawa nang maaga… OGIE, P1 M ANG REWARD SA ANAK NA 25-ANYOS NA, SINGLE PA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 7
4 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 7, 2026



TALKIES - OGIE, P1 M ANG REWARD SA ANAK NA 25-ANYOS NA, SINGLE PA RIN-YT Erin Diaz

Photo: IG _janinegutierrez _ms.lotlotdeleon



Isang milyong piso ang birthday gift ng talent manager-aktor na si Ogie Diaz para sa kanyang panganay na anak na si Erin, na nagdiwang ng kanyang ika-25 kaarawan noong Agosto 29.


Sa social media post ng kanyang co-host na si Mama Loi, ibinahagi nito ang isang video clip kung saan makikitang iniabot ni Ogie kay Erin ang isang malaking tseke na nagkakahalaga ng P1 milyon.


Ayon kay Mama Loi, matagal nang ipinangako ni Ogie sa kanyang mga anak na makatatanggap sila ng bonus sa kanilang ika-25 kaarawan basta’t wala pa silang asawa’t anak.


“Ang bongga ng birthday gift ni ‘Nay Ogie Diaz kay Erin Pandaan! Dati pa n’ya sinabi sa mga anak n’ya na may bonus sila on their 25th birthday ‘pag single at wala pang anak. Kaya pinagtrabahuhan, pinag-ipunan, at tinupad n’ya ang kanyang pangako,” ani Mama Loi.

Sa video, ipinaliwanag naman ni Ogie kung bakit niya ibinigay ang malaking halaga sa kanyang anak.


“‘Pag 25 (years old), wala pa kayong asawa, wala pa kayong anak. Tapos, ‘yun, Erin, my gift to you, P1 million,” saad ni Ogie.


Nilinaw din ni Ogie na hindi niya ito ginagawa upang magyabang, kundi dahil nais niyang matupad ang pangako niya sa kanyang mga anak at hikayatin silang sulitin muna ang kanilang kabataan.


Aniya, nais niyang magkaroon ng pagkakataon ang kanyang mga anak na ma-enjoy ang kanilang buhay bago pumasok sa pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling pamilya.

Dagdag pa niya, mahirap para sa isang magulang kapag nag-asawa at nagkaanak na ang anak ngunit iniiwan naman ang responsibilidad sa mga lolo’t lola upang makapaglibang o gumimik.


Big tumpak ka d’yan! In fairness sa aking Panyerong Ogie Diaz, talagang napakabait niyang ama. 


Anyway, happy birthday, Erin!





Sa Kamikazee lang daw komportable…

NERI, IBINULGAR KUNG BAKIT TUMATANGGING MAG-GUEST SI CHITO SA MGA KAPWA SINGERS



“IMAGINE, sa tagal-tagal na n’ya sa industriya, kinakabahan pa rin s’ya,” pahayag ng aktres na si Neri Naig sa kanyang social media post para sa kanyang asawang si Chito Miranda, lead vocalist ng Parokya ni Edgar.


Ani Neri, “Ang dami kong nakikitang nag-upload ng videos mula sa concert ni Yeng, lalo na ‘yung part na ka-duet n’ya si Chito. Nakakatuwa! Inire-repost ko nga sa Facebook (FB) stories ko.


“Sa totoo lang, bihira talagang mag-guest si Chito sa concerts ng iba. Mahiyain kasi s’ya, ‘di lang halata. Hahaha! Parang naiilang s’ya kasi feeling n’ya, baka ‘di magustuhan ng mga tao ‘yung kanta n’ya. Kaya madalas, humihindi talaga s’ya sa guestings, mapa-TV man o concerts.


“Maliban na lang ‘pag mga kabarkada n’ya, like Kamikazee. Go agad ‘yun! Barkada n’ya talaga mga ‘yun since college, kaya comfortable s’ya sa kanila.


“Nag-guest din si Yeng before sa Inuman Sessions ng Parokya. Napanood ko ‘yun at sobrang ganda ng pagkakakanta n’ya. She really owned the song. Ang galing!


“I like Yeng din kasi sa mga posts nilang mag-asawa, makikita mo kung gaano sila kagaling humawak ng pera. Ang dami nilang investments, especially sa lupa.


Nakakatuwa na makakita ng mga taong iniisip din talaga ang future nila. May beach house pa nga sila!


“Anyway… ‘yun lang naman. Natutuwa lang talaga ako na ang daming natuwa nang makita si Chito sa concert ni Yeng.


“Kailangan ko rin kasi minsan na i-remind si Chito na magaling s’ya, na ang gaganda ng songs nila, at ang daming taong lumaki at gumawa ng memories kasama ang music ng Parokya.


“Imagine, sa tagal-tagal na n’ya sa industriya, kinakabahan pa rin s’ya. Siguro kaya rin hanggang ngayon, ‘di n’ya tine-take for granted ‘yung mga taong nakikinig at kumakanta kasama n’ya.”


At least si Chito, kahit naging sikat na lead vocalist ng Parokya ni Edgar ay hindi lumaki ang ulo. Sa totoo lang, nanatili siyang humble at grounded.





BIBIGYANG-BOSES ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang pinakabagong dokumentaryo ng ABS-CBN News na Hindi Suntok sa Buwan ang Kapayapaan, kung saan tampok ang mga kuwento ng kababaihang Bangsamoro na nasa unahan ng pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.


Sa panulat ni ABS-CBN News senior producer Dianne RJ Obdin at Palanca award-winning journalist na si Jeff Canoy, iikot ang dokumentaryo sa kuwento ng tatlong kababaihan na dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Women Auxiliary Brigade (BIWAB) at Moro Islamic Liberation Front (MILF), at ang kanilang transisyon sa buhay-sibilyan matapos ang 2014 peace deal sa panig ng gobyerno at MILF.


Ito ang unang sabak ni Jodi sa mundo ng dokumentaryo. 


Aniya, “I feel honored to be able to do this. I was reading the material at ang dami ko ring natutunan. Na-excite ako about what’s going to happen next for these women. Peace is something na matagal na nilang inasam… they were praying, yearning, and wishing for more. ‘Di lang ‘yung mga kababaihan but the whole community is in transition.”


Matatandaan ding kabilang si Jodi sa cast ng 2001 film na Bagong Buwan ni Direk Marilou Diaz-Abaya, na sumentro rin sa mga engkuwentro sa Mindanao at mga epekto nito sa mga ordinaryong mamamayan.


Nagpasalamat din ang ABS-CBN News head na si Francis Toral sa partisipasyon ni Jodi sa naturang dokumentaryo. 


‘Ika niya, “We were looking for a particular voice that could carry the weight of powerful stories about women searching for purpose in the aftermath of conflict. Jodi’s narration brings life and empathy to these stories that are not often seen and heard.”


Mapapanood ang dokumentaryong Hindi Suntok sa Buwan ang Kapayapaan ngayong Lunes (Setyembre 7), 8 PM sa ABS-CBN News YouTube (YT) channel, ANC, at iWant.


‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page