top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tuloy ang laban sa kahirapan at pandemya

BULGAR
Dec 27, 2022
1 min read

@Editorial | December 27, 2022


Sa kabila ng mga party at gift giving, may ilang bahagi ng mundo ang patuloy pa ring humaharap sa kaguluhan at kahirapan.


Kaugnay nito, sumentro sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia ang naging mensahe sa Christmas Day blessings sa Vatican ni Pope Francis.


Ipinagdasal na maliwanagan ang kaisipan ng mga lider ng bansa para matigil na ang kaguluhan.


Sana ay mas alalahanin ang mamamayan na nagdurusa at nagtitiis sa gitna ng giyera.


Masakit makita na habang nagdiriwang ng Kapaskuhan ang nakararami, may mga pamilya na walang hangad kundi ang makasama ang isa't isa nang ligtas. Hindi na naghahangad ng magarbong handaan, mga regalo o anumang marangyang pagdiriwang.


Magkaroon sana ng mas malawak na pag-iisip para masolusyunan ang mga sigalot at maghari ang kababaang-loob.


Mabigyan sana ng pagkakataon ang kabataan na maranasan ang biyaya ng buhay at ang kagandahan ng mundo.


Anumang lahi, saanmang parte ng daigdig tayo naninirahan, iisa lang naman ang ating hinahangad, ang magkaroon ng masaya at makabuluhang pamumuhay.


Manaig na sana ang pagkakaisa at pagmamahalan sa buong mundo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page