top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tuloy ang ensayo ng mga sasalang sa FIBA Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 14, 2023



Patuloy ang paghahanda ng mga koponan bago tumuloy ng Pilipinas, Japan at Indonesia para sa 2023 FIBA World Cup. Puspusan na ang ensayo ng mga makakatapat ng Gilas Pilipinas na Dominican Republic, Italya at Angola sa Grupo A sa Araneta Coliseum.


Ang mga Dominicano ay lumasap ng 86-93 pagkatalo sa pagbisita nila sa Puerto Rico noong Agosto 4, ang parehong koponan na kamakailan ay tinambakan ng Team USA, 117-74. Nakatakdang dumayo ang Dominican Republic sa Latvia sa Agosto 12 at susundan ng mga laro sa Granada laban sa mga maagang paborito Canada at defending champion Espana sa Agosto 18 at 20.


Gumawa ng ingay ang Italya sa kanilang 89-88 paggulat sa bigating Serbia noong Agosto 9 sa 32nd Aegean Acropolis Tournament sa Athens sa likod ng pagbayani ni Simone Fontecchio na kakampi ni Jordan Clarkson sa Utah Jazz. Bago noon ay nagtala ng dalawang tagumpay ang mga Italyano na 90-89 overtime sa Turkiye noong Agosto 4 at 79-61 tambak sa Tsina noong Agosto 5 na parehong ginanap sa Trento.


Lumasap ng tatlong talo ang Angola sa Mexico (76-78), host Jordan (56-70) at Portugal (67-72) sa King’s Cup sa Amman. May isa pa silang tuneup laban sa co-host Japan sa Agosto 15 sa Tokyo.


Samantala, inilipat ang ikatlo at huling yugto Trilogy Run Asia o Philippine Marathon sa Setyembre 17 sa Mall of Asia pa rin. Natapat kasi ang orihinal nitong petsa na Setyembre 10 sa championship ng FIBA World Cup kaya nagpasya ang Runrio Inc. na kailangang magbigay-daan upang makatutok ang mga kinaukulang ahensiya sa maayos na pagdaos ng nasabing laro sa gabi sa MOA Arena.


Maaari pang magparehistro online sa raceroster.com. Kung may mga katanungan ay magpadala ng mensahe sa info@runrio.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page