Tulong sa mga binagyo… KRIS, IBINULGAR NA NAG-DONATE NG P2 M SI ANGEL SA OFFICE NI VP LENI
- BULGAR
- Dec 23, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 23, 2021

Tumataginting na dalawang milyong piso ang idinoneyt ng Kapamilya actress na si Angel Locsin sa opisina ni Vice-President Leni Robredo upang ipamahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Nabulgar ang napakalaking halagang donasyon ni Angel para sa Odette victims during Kris Aquino's speech sa ginanap na relief operation ng OVP (Office of the Vice-President) sa Negros Occidental.
"Nagbigay po si Angel Locsin ng 2M pesos kay VP Leni para po pantulong para po sa lahat ng nasalanta,” pahayag ni Kris sa short video na ipinost ng netizen sa Twitter.
Nagulantang siyempre pa ang mga netizens sa rebelasyon ni Kristeta.
“Wow!! Kudos to Angel!! The best Darna everrrr in more ways than one!”
“Kahit lagi n'yong bina-bash si Angel Locsin, my God, 2 million is not a joke, wala siyang masyadong work now, so proud of her.”
“Sarili nilang pera 'yan, 'DI NAKAW at nagbabayad sila ng TAX.”
“Wow, Angel, nakakaiyak, P2 million is a lot of money, tagal na rin niyang walang work.”
May concerned netizen naman ang nag-alala sa pagbubunyag ni Kris ng amount ng ibinigay ni Angel.
“Bakit sinabi ni Kris 'yung amount? Baka ma-bash na naman si Angel.”
“Tatanggi pa ba tayo sa P2M na tulong? Ano'ng iba-bash doon, kulang? Kapal lang ng mukha, ganern?!”
Bukod sa P2 M na donasyon ni Angel, shookt din ang mga netizens sa hitsura ni Kris. Sa sobrang kapayatan nito, nag-worry ang ibang netizens for her health.
“Miss Kris, love kita, sana stay safe kasi hindi makakabuti sa 'yo ang crowd. Your help can reach out to those in need through trustworthy people. Praying for u, idol.”
“Ang payat ni Kris, grabe, may sakit pa 'yan pero nag-iikot talaga. Parang nai-imagine ko, baka lumala sakit niya at health niya, ang tapang niya.”
Say ng isang netizen, kinailangan pa raw lumabas ni Kris dahil matatalo raw kasi si VP Leni for her presidential bid sa nalalapit na halalan.
Pero, kinontra naman siya ng mga followers nina VP Leni and Kris.
“Kinailangan na niyang lumabas kasi wala na maaasahan sa gobyernong ito.”
"Gusto niya lang din talagang tumulong, masama ba 'yun? Hindi naman 'yan campaign pero she joined in order to help the typhoon victims.”








Comments