Tulong para sa mga nawasak na pabahay
- BULGAR

- Nov 18, 2020
- 1 min read
@Editorial | November 18, 2020
Ilang araw na ang lumipas mula nang manalasa ang sunud-sunod na bagyo.
Marami pa rin sa ating mga kababayan ang nasa evacuation centers, may iba na nasa gilid ng kalsada habang meron ding nagbalikan na sa kani-kanilang bahay at sinisikap na buuin ang winasak ng bagyo.
Kaugnay nito, nagpahayag ang gobyerno sa pamamagitan ng National Housing Authority (NHA) na may nakahanda umanong tulong-pinansyal sa mga pabahay na nasira dahil sa mga nagdaang bagyo.
Sa ilalim ng emergency assistance program, P5,000 ang tulong para sa mga pamilya na ang bahay ay partially damaged at P10,000 kung totally damaged ang bahay. Napag-alamang may mga NHA sites na binaha.
Kaya inatasan na ang mga regional manager at district manager ng NHA na magsagawa ng assessment sa naging pinsala ng bagyo sa mga pabahay ng NHA.
Huwag din sanang makalimutan ng gobyerno silang mga wala na talagang mauwian. Batid naman natin kung gaano katindi ang mga nagdaang bagyo na sinundan ng grabeng pagbaha. Talagang maraming bahay ang lumubog at nawasak. Kung walang tulong mula sa gobyerno, tiyak na mahihirapan ang mga biktima na muling maitayo ang kanilang bahay.
Kaya kung may pondo naman na puwedeng magamit ay huwag nang ipagdamot.



Comments