top of page
Pokwang.jpg

Presyo ng bilihin, nasasakal na ang mamamayan

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

by Info @Editorial | October 17, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi na nakapagtataka na inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pangunahing inaalala ng mga Pilipino, batay sa isang survey. 


Sa araw-araw na pamimili, ramdam ng bawat pamilya ang bigat ng mahal na pagkain, pamasahe, kuryente at iba pang pangunahing pangangailangan.


Sa kabila ng pagsisikap ng mga manggagawa na pagkasyahin ang kanilang kinikita, patuloy namang nababawasan ang halaga ng kanilang pera. 


Higit na apektado rito ang mga pamilyang mababa ang kita na kailangang mamili kung alin sa kanilang mga pangangailangan ang uunahin.


Hindi sapat na sabihing normal na bahagi ng ekonomiya ang pagtaas ng presyo. Tungkulin ng pamahalaan na tiyaking hindi lubhang mabibigatan ang taumbayan sa gastusin at may sapat na proteksiyon ang mga pinakaapektadong sektor.


Kasabay nito, mahalagang magkaroon ng sapat na trabaho at sahod na naaayon sa patuloy na pagtaas ng gastusin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page