top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Imbestigasyong may pamumulitika, sablay!

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
1 min read

by Info @Editorial | October 15, 2026



Editoryal, Editorial


Kapag pulitika ang nangingibabaw sa imbestigasyon, tila nauuna ang paghatol bago ang ebidensya. Sa halip na hanapin ang katotohanan, nagiging sandata ang mga alegasyon upang sirain ang reputasyon.


Dapat imbestigahan ang anomalya sa pampublikong pondo. Ngunit magkaiba ang pagkukulang sa dokumento, paglabag sa regulasyon, at katiwalian. Hindi maaaring pag-isahin ang mga ito nang walang matibay na patunay.


Tila ganito umano ang kontrobersya sa pagkuwestiyon ni Sen. Ping Lacson sa mga proyekto sa Taguig na iniuugnay kay Sen. Alan Peter Cayetano, mula sa umano’y ghost projects hanggang sa ilegal na reclamation at kuwestiyonableng titulo ng lupa.


Sa pagdinig noong Setyembre 25, sinabi ni DPWH Sec. Vince Dizon na walang natukoy na ghost project sa Taguig, habang iniulat ni Usec. Ricardo Bernabe III na may aktuwal na accomplishment ang 107 proyekto. Ang iregularidad sa dokumento ay hindi awtomatikong patunay ng katiwalian.


Dapat pantay ang pamantayan ng imbestigasyon. Ang tunay na hustisya ay sumusunod sa ebidensya, hindi sa pulitika o sa konklusyong nais patunayan.


Sa kabilang banda, sinumang nasasangkot sa korupsiyon at napatunayang guilty, dapat managot at patawan ng mas mabigat na parusa. Sawa na ang taumbayan sa ingay sa pulitika, hirap na ang bayan sa iba’t ibang krisis, tama na.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page