Tulong ng US, inihirit ng Ukraine matapos muling mahalal si Putin
- BULGAR
- Mar 19, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | March 19, 2024

Inihirit muli ng Ukrainian President na si Volodymyr Zelensky ang tulong mula sa United States.
Nilinaw ni Zelensky ang kahalagahan ng tulong militar ng US para sa kanilang bansa ngayong muling nahalal na Presidente si Vladimir Putin nu'ng bumisita si Senator Lindsey Graham.
Pinangangambahan ng Ukraine ang pagpapaigting ng Russia ng kanilang mga atake lalo sa kasalukuyan.
Matatandaang ang muling pagkahalal ni Putin sa limang beses na pagkakataon ay kinuwestiyon ng maraming bansa.








Comments