Tulay, bumagsak... SUV nahulog sa ilog, 4 missing
- BULGAR

- 20 hours ago
- 1 min read
by Mervin Reyes @News | August 31, 2026

Photo: SUV nahulog - Circulated, Azher Santos FB / Circulated
Apat na katao ang nawawala habang isa ang nasagip matapos mahulog sa ilog ang isang sport utility vehicle (SUV) nang bumagsak ang Agana Bridge sa Tarlac City noong Sabado ng gabi, Agosto 29.
Nasagip si Nathaniel Dion, 20, ilang sandali matapos ang insidente habang patuloy ang search and rescue operation para sa apat pang pasahero.
Kinilala ang mga nawawala na sina Shanen Tuhao, 26; Paul Harvey Collado, 30, may-ari ng SUV; James Harvey Taborlupa, 35; at Shiel Mae Taborlupa.
Ginamit ang Agana Bridge bilang alternatibong ruta matapos gumuho ang gitnang bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City bago maghatinggabi noong Biyernes, Agosto 28, dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng habagat.





Comments