Tubu ng Falcons dinismaya ang UST, Eagles nandagit
- BULGAR
- Mar 26, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | March 26, 2023

Tumabo ng atake si super-rookie Trisha Gayle Tubu ng Adamson University Lady Falcons upang dismayahin ang inulan ng errors na University of Santo Tomas Golden Tigresses sa pamamagitan ng 11-25, 25-21, 25-13, 25-22 para simulan ng buwenamanong panalo sa second round, gayundin ang Ateneo Blue Eagles ng tinalo ang University of the East Lady Warriors sa 25-16, 25-23, 22-25, 25-19 at Far Eastern University Lady Tamaraws na winalis ang University of the Philippines Lady Maroons sa 25-22, 25-19, 25-2, kahapon sa 85th (UAAP) women’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nagpamalas ng opensa’t depensa ang 5-foot-8 opposite hitter ng kabuuang 21 puntos mula sa 15 atake at anim na blocks upang dalhin ang Lady Falcons sa solong ikalawang pwesto sa 6-2 kartada, habang naging mabisa ang mga pamamahagi ng opensa ni ace playmaker team captain Louie Romero sa 19 excellent sets kasama ang tatlong puntos.
Dahil sa panalo ay nagawang walisin ng Lady Falcons ang kanilang tapatan sa elimination round matapos walisin ito sa first round na sinuportahan din ng tig-siyam na puntos nina Lucille Almonte, na nag-ambag din ng 13 digs at apat receptions at Kate Santiago na may kinubra ring tatlong receptions.
Nasayang naman ang ibinuhos ni Queen Tigresses Eya Laure na triple-double performance sa 17pts mula sa 11 atake, limang aces at isang block, gayundin ang 12 receptions at 11 digs. “Hindi naman magpapatalo ang UST buti nakuha pa rin namin. First set medyo kulang buti nagrespond yung team second to fourth,” wika ni Adamson head coach Jerry Yee.
Kumulekta naman ang last season second best outside hitter na si Faith Nisperos ng kabuuang 18 puntos mula sa 13 atake at solidong depensa mula sa limang blocks para sa Ateneo.








Comments