top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tsuper na mawawalan ng pasada sa PUVMP, bigyan ng trabaho

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Enero 20, 2024


May aasahan umanong tulong mula sa gobyerno ang mga ‘di nag-consolidate sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).


Ito ay sa pamamagitan ng tinatawag na “enTSUPERneur” livelihood program. Kung saan, magbibigay ng P30,000 na halaga ng tulong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa bawat transport worker.


Ang naturang livelihood program ay isang joint initiative ng DOLE, Department of Transportation (DOTr), Office of Transportation Cooperatives at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Kabilang sa naturang programa ang pagbibigay ng livelihood packages na naglaman ng mga materyales, inputs at market linkages para tulungan ang mga benepisyaryo.


Mahigit 4,500 transport workers ang una nang nabigyan ng ayuda na umaabot umano sa P123 milyon.Ngayong taon, mayroon pa umanong 1,500 transport workers ang nagnanais na makakuha ng naturang ayuda.


Kailangan talagang magtulungan at suportahan ang alternatibong livelihood program para sa mga tsuper at operator na na-displace dahil sa PUVMP.


Higit sa one time ayuda, malaking tulong sana kung trabaho ang maitutulong sa mga transport worker.


Sa rami ng bayarin na sasabayan ng taas-presyo ng mga bilihin, 'di kakayanin kung walang kayod.


Panawagan sa gobyerno, tapusin na ang usapin sa PUVMP, ayusin na ang mga problemang may kaugnay dito para makausad na ang lahat.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page