“Tsuper Iskolar Program”, para sa maayos at ligtas na lansangan
@Editorial | June 27, 2023
Hinihimok ang mga public utility vehicle (PUV) drivers na samantalahin ang oportunidad na palawakin pa ang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pakikilahok sa “Tsuper Iskolar Program”.
Ang nasabing programa ay maaari nang i-avail online.
Bukod sa maintenance ng sasakyan, napakahalaga ng regular check-up sa kakayahan at awareness sa road safety ng mga drayber.
Sa pamamagitan ng programa, mabibigyan ng sapat na training ang mga tsuper para sa mas ligtas na pagmamaneho.
Sa ilalim ng 2023 budget, naglaan ng P100 milyon para sa Tsuper Iskolar Program sa mga PUV drivers at dagdag na P100 milyon para sa “ExTsuperneur Program” na laan sa mga motoristang nais ng bagong kaalaman o kabuhayan.
Ang kurso para sa mga tsuper ay ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Land Transportation Office (LTO) at ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA).
Ang entrepreneurship program naman ay nasa ilalim ng DOTr katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Napakalaking pondo ang inilaan sa nasabing programa na hindi dapat masayang. Umaasa tayo na ito ay masusulit at mapapakinabangan talaga.
Kaya kailangan ng gobyerno na mahikayat ang lahat ng tsuper na maging bahagi nito. Hindi lang para sa maayos at mabilis na pag-usad ng ekonomiya kundi higit sa lahat, para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.



Comments