top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tsuper at operator na maagang naniningil ng dagdag-pasahe, maging patas naman kayo!

BULGAR
Sep 24, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | September 24, 2022


Ilang araw matapos ianunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-apruba sa panibagong fare hike, umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga komyuter at tsuper, at maging ang mga operators.


Bagama’t ikinatuwa ng mga drayber at operator ang parating na taas-pasahe, kani-kanyang paghahanda naman ang mga pasahero dahil anila, panibagong hamon na naman ito.


Pero hindi pa man naipatutupad ang fare hike, may ilan na umanong naniningil ng dagdag-pasahe.


Dahil dito, nagbigay-babala ang LTFRB sa mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan na maagang maniningil ng dagdag-pasahe. Binigyang-linaw ng ahensya na dahil pumatak sa araw ng Sabado ang Oktubre 1 na sana’y simula ng implementasyon ng fare increase, gagawing Oktubre 3 (Lunes) ang simula ng taas-singil sa pamasahe.


Gayundin, hindi umano maaaring maningil ng dagdag-pasahe ang mga PUVs hangga’t walang maipaskil sa kanilang mga sasakyan na fare matrix o fare guide mula sa ahensya.


Samantala, ang mahuhuling PUVs na magtataas agad ng pasahe ay pagmumultahin ng P5,000 sa first offense, P10,000 sa second offense, habang P15,000 multa at kanselasyon ng prangkisa sa ikatlong paglabag.


Sa ngayon, iniimbestigahan na ng LTFRB ang mga natanggap na reklamo hinggil sa mga PUVs na nagtaas agad ng singil.


Sa totoo lang, mabigat para sa ilan ang dagdag-pasahe na ito. Marahil, ‘di na nila alam kung paano pa didiskarte dahil ibig sabihin, bawas na naman ito sa kanilang kita.


Kaya naman, nakadidismaya na hindi pa nga pormal na nagsisimula ang taas-singil, may ilan nang umaarangkada at nananamantala.


Pakiusap sa mga nang-aabuso, huwag naman kayong ganyan. Pare-pareho lang tayong kumakayod, maging patas kayo at sumunod sa utos.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page