Tsismisan daw sila ni Lorna sa Senado… SEN. LITO: MGA KAPWA KO SENADOR, INGGIT LANG
- BULGAR

- Dec 13, 2024
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 13, 2024
Photo: Ang Supremo Senador Lito Lapid
Nakarating na rin pala sa Senado ang mainit na tsismis tungkol sa diumano’y pagkakamabutihan nina Sen. Lito Lapid at Lorna Tolentino.
In fact, panay kantiyaw nga raw ang inaabot ni Sen. Lito mula sa mga kasamahang senador na sina Bong Revilla, Robin Padilla at Jinggoy Estrada.
Sabi raw ni Sen. Bong, “Oy, may tsismis kayo.”
Tila pag-warning naman ni Sen. Robin sa kanya, “Oy, pamangkin ko ‘yan!”
Sey pa ni Sen. Lito, “Si Jinggoy, ganyan, mga tuksuhan lang. ‘O, may bago ka na namang ano, natsitsismis kayo ni LT, ha?’ Sabi ko, ‘O, gusto n’yong sumali.’”
Hindi ba naiinggit sa kanya ang mga kapwa-senador?
“Siguro, naiinggit din,” natatawang sey ni Sen. Lapid.
“Kasi nga, sa tanda kong ‘to, kamukha ni Bong, kamukha ni Robin, 15 years ang pagitan namin, ang tanda ko sa kanila. Ako ang pinakamatanda.
“Pangalawa na akong matanda sa Senado ngayon. Ang una, si Cynthia Villar, tapos ako na,” natatawang sabi ni Sen. Lito.
Nakatsikahan ng showbiz press si Sen. Lito last Wednesday sa pa-Christmas get-together nila ng anak na si Chief Operating Officer of the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Mark Lapid.
Matatandaang nagsimulang ma-link sina LT at Sen. Lito nang mag-click ang tambalan nilang Primanda sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin.
Samantala, inanunsiyo rin ni Sen. Lapid na idinedeklara na ng Senado ang Pampanga bilang Culinary Capital of the Philippines na siya mismo ang gumawa ng bill (Senate Bill No. 2797). Aprubado na raw ng mga kapwa-senador ang bill at pirma na lang ng ating Presidente Bongbong Marcos ang kailangan.
“Inaprubahan ng aking mga kasamahan sa Senado, pinagkaisahan nila na suportahan ang bill na ito dahil kilala po ang Pampanga sa masasarap na lutuin.
“Walang tumutol, walang nag-against. At lagi ko rin silang ipinagdadala ng mga lutong Kapampangan,” sey ni Sen. Lito Lapid.
Biyaheng Bacolod…
SHARON, NAGPASAKLOLO PARA MAISAKAY SA EROPLANO ANG 20 DOGS
Umapela si Sharon Cuneta sa mga airline companies para tulungan silang ibiyahe ang mga asong nasa Bulacan papuntang Bacolod.
Ini-repost ni Megastar sa kanyang Instagram (IG) ang paghingi ng tulong ng Pawssion Project animal shelter sa mga airline companies para i-transport ang 20 rescued dogs na nasa Bulacan shelter.
Sa caption ni Sharon, nakiusap din siya na tulungan sila ng mga airline companies at sinabing willing silang magbayad ng charity rate.
“We are appealing to airline companies if you can help us transport at least 20 dogs from the Bulacan shelter to Bacolod.
“We are running out of time and we understand that it’s peak season but we would appreciate any form of help. We are willing to pay a charity rate if not free so we can lessen the number of dogs we have to move,” ani Shawie.
“We have prepared their vaccine cards and other documents to secure BAI permit but we can only proceed with everything once we already have confirmed flight schedules.
“Your help and assistance would mean so much to the rescues this holiday season (praying emoji),” saad pa ni Mega.
Sa dulo ay itinag niya ang dalawang malalaking airline companies na Philippine Airlines at Cebu Pacific Airlines.
Sa isang post naman ni Shawie ay sinabi niya sa kanyang mga fans, followers, supporters and friends na huwag na siyang bigyan ng Christmas gift at kung talagang gusto raw siyang bigyan ay suportahan na lang ang Pawssion Project.
“I do not need any more gifts - this Christmas or at any time. But if you insist on giving me anything, please make sure your gift would make my heart sing! THIS is the only gift I would ask for if I wanted to. Please, if you do this for me, let me know! I would be so happy and grateful! Thank you so much. God bless you! Lots of love. Give the Gift of Love this Christmas!” sey ni Mega.







Comments