Tserman niratrat sa bahay, todas

ni Mai Ancheta / Levi Gonzales @News | October 16, 2026

Photo: Province of Batangas - PRO4A / PNP / Circulated
Patay ang isang barangay chairman sa Sto. Tomas, Batangas matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sta. Anastacia kahapon ng umaga, October 15.
Kinilala ng Sto. Tomas police ang biktima na si Dennis Austria, chairman ng Sta. Anastacia na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Batay sa imbestigasyon, isang armadong lalaki ang pumasok umano sa bahay ng biktima saka ito pinagbabaril.
Matapos matumba ang biktima, tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.
Agad na isinugod sa pagamutan ang kapitan subalit hindi na umabot nang buhay dahil sa dami ng tinamong tama ng bala.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Sto. Tomas police upang matukoy ang pagkakakilanlan sa salarin pati na rin ang motibo sa krimen.





Comments