top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tseke na may pekeng pirma

BULGAR
Dec 10, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 10, 2022


Dear Chief Acosta,


Nalaman ko kahapon na may kumuha ng aking check booklet, kaya agad akong pumunta sa bangko upang i-report ang pagkawala ito. Sa kasamaang palad, sinabi sa akin ng bangko na mayroon na diumano nag-encash ng aking tseke noong nakaraang linggo. Dapat bang isauli ng bangko ang aking pera sapagkat hindi naman ako ang nag-encash nito at hindi ko naman pirma ang nakalagay sa tseke? - Cyrone

Dear Cyrone,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinalakay ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Samsung Construction Company Philippines, Inc., v. Far East Bank and Trust Company and Court of Appeals (G.R. No. 129015, August 13, 2004, Ponente: Retired Associate Justice Dante O. Tinga), kung saan ipinaliwanag na maaaring magkaroon ng pananagutan ang bangko kung ito ay nag-encash ng tseke, kung saan ang pirma ng kliyente ay ginaya lamang. Nakasaad sa nasabing kaso na:

“The point in issue has sometimes been said to be that of negligence. The drawee [bank] who has paid upon the forged signature is held to bear the loss, because he has been negligent in failing to recognize that the handwriting is not that of his customer. xxx

xxx The exception to this rule arises only when negligence can be traced on the part of the drawer whose signature was forged, and the need arises to weigh the comparative negligence between the drawer and the drawee to determine who should bear the burden of loss. xxx

Sang-ayon sa nabanggit, may obligasyon ang bangko na siguraduhin munang tunay ang pirma sa tseke bago nila ito i-encash, at dapat nilang ibalik ang pera na nawala kung sakaling na-encash ang tseke na may pekeng pirma. Subalit, dapat tandaan, maaaring mawala ang karapatan ng depositor na mabawi ang nawalang pera kung maipakikita na siya mismo ay nagpabaya. Ibig sabihin, dapat ibalik ng bangko ang iyong pera dahil hindi nila nakita na peke ang pirma sa iyong tseke. Maaari lamang na tumanggi ang bangko kung mapatutunayan nito na ikaw ang siyang may kapabayaan sa mga nangyari.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page