Trump, proud sa magandang resulta sa pakikipagkasundo sa Iran
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @World News | May 25, 2026

Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na may naabot nang mas malawak na kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Ayon sa kanya, bukod sa mas malalaking usaping diplomatiko, tinatalakay na rin ang posibilidad na muling mabuksan ang Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang daluyan ng langis sa mundo.
Sinasabing ang pinal na kasunduan ay isasagawa pa sa pakikipag-ugnayan ng US, Islamic Republic of Iran, at ilang iba pang bansa.
Iniulat din na nakipag-usap si Trump sa telepono sa ilang lider mula sa Gulf at iba pang rehiyon, kabilang ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Pakistan, Turkey, Egypt, Jordan, at Bahrain, upang talakayin ang mga negosasyong may kaugnayan sa Iran.
Hiwalay din niyang nakausap si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na ayon sa ulat ay naging positibo ang naging usapan.
Patuloy pa ang pag-uusap ng mga panig sa ilang detalye ng posibleng kasunduan, habang naaalala na ilang beses nang nabigo ang mga naunang negosasyon sa pagitan ng US at Iran na makabuo ng pinal na kasunduan.





Comments