Trump, proud makulong
- BULGAR

- Apr 8, 2024
- 1 min read
Updated: Apr 9, 2024
ni Angela Fernando - Trainee @News | April 8, 2024

Nagpahayag ang dating Pangulo ng United States na si Donald Trump na karangalan para sa kanya na makulong dahil sa isang gag order na ipinataw ng hukom na siyang magsasagawa ng kanyang darating na paglilitis.
"If this Partisan Hack wants to put me in the 'clink' for speaking the open and obvious TRUTH, I will gladly become a Modern Day Nelson Mandela - It will be my GREAT HONOR," saad ni Trump sa isang post sa Truth Social platform.
Tinutumbok ni Trump sa kanyang pahayag si Justice Juan Merchan, na siyang hahawak sa paglilitis ng dating Presidente sa New York state court sa Manhattan.
Haharapin ni Trump sa nasabing paglilitis ang mga kaso sa paratang na pagbibigay ng P7-milyon bago ang eleksyon nu'ng 2016 sa porn star na si Stormy Daniels upang bilhin ang katahimikan nito tungkol sa kanilang "sexual encounter."
Magsisimula ang paglilitis sa Abril 15.








Comments