Palpak na, taas-multa pa — Padilla... NCAP, talupan

ni Mylene Alfonso @News | October 15, 2026

Photo: Robin Padilla at NCAP - Senate PH
Nais ni Senador Robinhood Padilla na busisiin ng Senado ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) dahil sa mga reklamo ng mga motorista hinggil sa mataas na multa at umano’y kakulangan sa proteksyon sa kanilang mga karapatan.
Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 732, hiniling ni Padilla ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa malabong lane markings, kulang na road signs, delayed violation notices, at pagpapataw ng multa sa rehistradong may-ari ng sasakyan kahit hindi siya ang aktuwal na nagmamaneho.
Nais din matutukan ang proseso ng pag-apela sa mga violation at ang paglaganap ng mga pekeng text message tungkol sa NCAP na ginagamit sa panloloko.





Comments