top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tropang LOL ng TV5, tsugi na… MATTEO, JOIN SA UNANG HIRIT NG GMA-7

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See |May 1, 2023


Meanwhile, si Matteo Guidicelli na nga kaya ang tinutukoy sa mga blind items na bagong "addition" sa GMA morning show na Unang Hirit?!


Sa pinag-uusapang mga photos na kumalat sa social media, makikitang kasama ni Matteo ang ilang executives ng GMA-7, kasama rin dito ang nanay niya at si Boss Vic del Rosario.


May mga nagsasabing nasa final stretch na ang usapan at any time soon ay ia-announce na nga na magiging Kapuso na rin ang asawa ni Sarah Geronimo.


Noon pa ay may mga lumalabas nang mga balita, na diumano'y feel ni Matteo na mapasama sa isang morning show at ang programang Unang Hirit ang agad na pumasok sa isip ng mga netizens.


Hmmm... if ever ngang magiging Kapuso na si Matteo at bilang nasa iisang management na sila ng kanyang misis na si Sarah, ang Viva Entertainment, posible kayang makumbinse na ring bumalik sa GMA-7 ang Popstar Royalty?


Paano kaya sasagutin ni Matteo ang mga intrigang porke't wala na ang Tropang LOL sa picture, eh, ito na nga at nagpaparamdam na siya sa Kapuso Network?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page