Tropang Giga, kinalos ang kaastigan ng Fiberxers
ni Clyde Mariano @Sports | February 9, 2023

Pinutol ng Talk ‘N Text ang four-game winning run ng Converge, 128-122, at binigyan free ride ang nagpapahingang undefeated San Miguel Beer upang kunin ang pamumuno sa Governors Cup sa PBA 47th season sa Smart Araneta Coliseum kahapon.
Hindi pumayag ang Tropang Giga sa patuloy na pamamayagpag ng Fiberxers kaya ginapi ang Converge at ipalasap sa mga bata ni rookie coach Aldin Ayo ang unang kabiguan sa lungkot ni big boss at dating PBA Commissioner Atty. Chito Salud.
Lumaban at pinilit ng Fiberxers na kunin ang panglimang sunod na panalo. Subalit nagmatigas at hindi pumayag ang TNT kaya hiniya ang Fiberxers sa harap nang kanilang supporters.
Sa panalo tumaas ang kartada ng TNT sa 4-1 kasosyo ang kanilang huliing biktima.
Pinamunuan ni import Jalen Hudson ang pagdiskaril sa Converge at tinalo si import Jamaal Franklin sa kanilang personal duel sa tuwa ni bagong coach Jojo Lastimosa.
Pinalitan ni Lastimosa si coach Chot Reyes na hawak ang Gilas Pilipinas na naglalaro sa FIBA World qualifying.
Tumipa si Hudson ng 56 points at pinamunuan ang six players na gumawa double figures at muling pinatunayan ng 26 years old reinforcement na naglaro sa Germany at Greece ang kanyang dominante sa Converge.
Tinalo ni Hudson si Franklin na umiskor ng 47 points sa Converge. Nag-ambag sina Filipino-American Mikey Williams ng 19 puntos, Roger Pogoy 18, Varilla 12, at Jayson Castro sa 10 markers.





Comments