top of page

Tropang 5G nauna sa Game 1 Finals

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 14, 2025



Photo: Tropang 5G vs SMB - PBA PH



Laro ngayong Miyerkules – Araneta 7:30 PM SMB vs. TNT         


Naitakas ng TNT Topang 5G ang Game One ng 2025 PBA Philippine Cup Finals kontra San Miguel Beer, 99-96, kagabi sa Araneta Coliseum. Subalit ang makapigil-hiningang laro ay nabalutan ng kontrobersya.          


Isinalpak ni Moala Tautuaa ang bola subalit tumalbog ito pero biglang pumasok upang ibigay sa Beermen ng 98-97 lamang at 56 segundo sa orasan. Binalikan ang video ng shoot at nagpasya ang committee na bawian ang buslo at ibalik ang iskor sa 97-96 pabor sa Tropa dahil nakitang hinawakan ni Tautuaa ang ring bago ito pumasok.           


Napilitan bigyan ng foul si Calvin Oftana at ipinasok niya ang dalawang free throw na may tatlong segundong nalalabi, 99-96. Tumawag ng timeout ang SMB pero nagmintis ang three-points ni Cjay Perez.          


Pagtunog ng busina ay sumugod sina Governor Robert Non, Coach Leo Austria at coaching staff sa mga opisyal upang iprotesta ang tawag kay Tautuaa. Naawat ang mga panig bago ito lumaki.           


Malupit na paghabol ang ginawa ng Beermen mula sa 41-61 butas matapos ang dalawang quarter. Nagtulungan sina Perez, Jun Mar Fajardo, Don Trollano at Chris Ross subalit napawalang-bisa ang kanilang itinabaho.          


Bumalik galing pilay si Roger Pogoy at agad naramdaman ang kanyang epekto sa laro sa 23 puntos buhat sa tatlong three-points at dalawang four-points sa loob ng 18 minuto lang at mapiling Best Player. Matalas din ang shooting nina Jordan Heading na may 19 at Calvin Oftana at Brandon Ganuelas-Rosser na parehong may 13.          


Ipinasok ni Fajardo ang 16 ang kanyang 26 sa huling dalawang quarter at humakot ng 15 rebound. Double-double din si Perez na 19 at 11 rebound at nag-ambag ng 13 si Trollano at 10 kay Tautuaa. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page