top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Trolls pa more ang mga senador sa pagkampi kay Boying

BULGAR
Oct 17, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 17, 2022


BILANG HEAD NG JUSTICE DEPARTMENT, DAPAT TIYAKIN NI SEC. BOYING NA MABUBULOK SA KULUNGAN ANG KANYANG ANAK—Mali ang sinabi ni Sec. Boying Remulla ng Department of Justice, na hindi siya makikialam sa kinasangkutang kaso ng kanyang anak na si Juanito Juan Remulla, na natimbog sa drug bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Bilang head ng justice department, dapat pakialaman at pamunuan ni Sec. Boying ang pagtutok sa kasong ito, dapat niyang tiyakin na mabubulok sa kulungan ang kanyang anak kasi lumabag ito sa batas, nagpapasok ng ilegal na droga sa bansa, na 'ika nga ay pagdating sa pagpapatupad ng batas, walang kama-kamag-anak, walang anak-anak.


◘◘◘


ILANG SENADOR ANG NAGMISTULANG TROLLS SA PAGBIBIGAY NG SIMPATIYA KAY SEC. BOYING—Nagmistulang trolls sa social media ang ilang senador sa pagbibigay ng simpatiya sa pamilya Remulla, lalo na kay Sec. Boying.


Ang mga trolls kasi sa social media, kapag nag-comment ay iisa lang o pare-pareho ang kanilang comment.


Nasabi nating nagmistulang trolls ang ilang senador kasi iisa ang kanilang litanya sa pagpapakita ng simpatiya kay Sec. Boying, na ang sabi nila, "Ang kasalanan ng anak ay hindi puwedeng maging kasalanan ng ama."


◘◘◘


DAPAT ANG CONFIDENTIAL/INTELLIGENCE FUNDS SA MGA LAW ENFORCEMENT AGENCY NA LANG IBIGAY, TANGGALIN SA MGA TRAPO—Malaking halaga ng kaban ng bayan ang napupunta sa confidential/intelligence funds ng mga pulitiko.


Okay lang sana kung nagbibigay sila ng resibo sa Commission on Audit (COA), kung saan ginasta ang hinihingi nilang confidential/intelligence funds, pero ang masaklap ay wala silang ibinigay, kaya't hindi nalalaman ng mamamayan at hindi nakikita sa website ng COA, kung saan ginastos ang perang ito ng bayan.


Sana, sa mga law enforcement agency na lang ng pamahalaan ibuhos ang mga confidential/intelligence funds at huwag bigyan ng confidential/intelligence funds ang mga trapo.


◘◘◘


MAGHU-JUETENG NG ALBAY, SINASANGKALAN SA RAKET ANG NAME NI PNP CHIEF GEN. AZURIN—Isang alyas Dong umano ang nag-o-operate ng jueteng sa Albay at kaya walang pulis na nanghuhuli sa kanyang mga kubrador ay dahil isinasangkalan nitong "malakas" siya kay PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin.


Dapat patunayan ni Gen. Azurin na walang "malakas" sa kanya, utusan niya sina PNP-Region 5 Director, Brig. Gen. Rudolph Dimas at Albay Provincial Police Director Col. Fernando Cunanan na dakpin si "Dong" at ipa-stop ang raket na jueteng sa lalawigang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page