Triple Crown Stakes Race, inaabangan na
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 9, 2022
Pinag-uusapan na sa social media ang 2nd Leg Triple Crown Stakes race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas sa darating na Hunyo 19, (Linggo).
Kanya-kanyang komento kung mawawalis ba ni first leg winner, Basheirrou ang triple crown series.
Nagdeklara na ng pagsali si Basheirrou sa distansyang 1,800 meter race at tiyak na todo ang paghahanda na ginawa ng kanyang trainer at hinete.
Muli sasakyan ni class A rider Kelvin Abobo si Basheirrou na nagwagi sa 1st leg noong Mayo 15 sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.
"Napakahusay ngayon ni Basheirrou, tingin ko kaya niyang walisin ang triple crown series huwag lang magkaroon ng injury sa mga ensayo nila," saad ni Jerry De Leon, tagahanga ni Basheirrou.
May P3.5M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang ibang nominado ay sina Kaboom, Gomezian, Radio Bell, Enigma Uno, Brother Son at Jungkook.
Nakalaan ang P2.1-M para sa mananalong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Sakaling manalo si Basheirrou, namumuro ito sa pagwalis ng triple crown series na huling nakagawa ay si Heneral Kalentong noong 2020.
Hahamigin ng second placer ang P700,000, may P350,000 sa third at P175,000 sa fourth habang tig- P105,000 at P70,000 ang 5th at 6th ayon sa pagkakasunod.
Maliban sa prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo, pakakawalan din sa nasabing petsa ang 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race at Hopeful Stakes Race.
Ang mga kasali sa 3-Year-Old Stakes Race ay sina Pharaoh's Fairy, Eazacky, Tinago Falls, Bocaue Rivertown, Bisyo Mag Serbisyo, Big Battle, Colony Bell at Rain Man.
Mga nominado sa Hopeful Stakes Race ay sina Main Event, Eutychus, Don Julio, Pharaoh Bell, Lauriatisimo, Charm Campaign at Portsalt.
Samantala, 7 kabayo ang pakakawalan ngayong araw sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City sa Batangas.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Life Gets Better (2), Candid Moment/Eye Opener (1/1A)
Race 2 - Rafa/Ka Emon (4/4A), Mariacristinafalls (2)
Race 3 - Viva Forever (2), Crazy Collin (3)
Race 4 - Bebang (4), Created (5), Narrative (8)
Race 5 - Caraga Wonder (1), Great Joeling (2)
Race 6 - Pendant/Waray Na Wayda Pa (6/6A), Arubaitosan (4)
Race 7 - Colony Bell (2), Bisyo Mag Serbisyo (5), Stand By Me (1)





Comments