top of page
SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz.jpeg

Trilyong pisong utang, pananagutan ng gobyerno at hindi dagdag-gastos ng Pilipino!

Writer: BULGAR
BULGAR
12 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | November 26, 2026



Editoryal, Editorial


Sa laki ng pagkakautang ng Pilipinas, lumutang ang usapin ng pag-aambagan ng mga Pilipino upang makatulong sa pagbabayad nito.


Magandang pag-usapan ang diwa ng bayanihan, ngunit hindi ba’t matagal nang nag-aambag ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis?


Sa bawat pagsahod, pagbili ng pagkain, pagpapagasolina at iba pang gastusin, may kontribusyon ang mamamayan sa kaban ng bayan.


Marami na ngang Pilipino ang hirap pagkasyahin ang kita para sa pagkain, kuryente, tubig, edukasyon at gamot. Saan pa kukuha ng karagdagang pang-ambag?


Hindi masama ang pangungutang ng pamahalaan kung ginagamit ito sa mga proyektong nagpapalago sa ekonomiya at nagpapagaan sa buhay ng mamamayan. Ang mahalagang tanong ay kung saan napupunta ang inuutang at kung sapat ba ang pakinabang nito sa publiko.


Bago pag-usapan ang karagdagang ambagan, kailangang malinaw ang plano sa pagbabayad ng utang, wastong paggastos ng pondo at pagpapanagot sa sinumang mapatutunayang sangkot sa katiwalian.


Hindi simpleng ambagan ang sagot sa trilyong pisong pagkakautang. Kailangan dito ang disiplinadong pamamahala sa pananalapi, pagpapalago ng ekonomiya at responsableng paggamit ng pera ng bayan.


Hindi nagkukulang sa ambag ang taumbayan. Ang tanong: sapat ba ang serbisyong naibabalik sa bawat pisong ibinabayad?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page