top of page
Pinoy Big Brother Collab 3.0 - YT.jpg

Ingat sa nagkalat na pekeng pera

Writer: BULGAR
BULGAR
11 minutes ago
1 min read

by Info @Editorial | November 23, 2026



Editoryal, Editorial


Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, dagsa na naman ang mga mamimili sa mga pamilihan at establisimyento. Kasabay ng sigla ng bentahan, dapat ding maging alerto ang publiko sa mga nananamantala sa pamamagitan ng pagpapakalat ng pekeng pera.


Kadalasang nabibiktima nito ang maliliit na negosyante, tindera at vendor na sa sobrang abala sa pagtanggap ng bayad at pagsusukli ay hindi na nasusuri nang maayos ang perang kanilang natatanggap. Isang pekeng P1,000 lamang ay malaking kawalan na sa isang ordinaryong tindero.


Mahalagang sundin ang payo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na “Feel, Look, Tilt” o kapain, tingnan at ikiling ang perang papel upang masuri ang mga security feature nito. Huwag mahiyang magbusisi, lalo na kung kahina-hinala ang perang ibinabayad.


Kung makatanggap ng hinihinalang pekeng pera, huwag na itong ipambayad o ipasa sa iba. Ipaalam agad sa mga awtoridad. Dapat ding paigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban sa mga sindikatong gumagawa at nagpapakalat nito.


Sa hirap ng buhay ngayon, bawat pisong pinaghihirapan ay mahalaga. Huwag hayaang mapunta sa wala ang ating kita dahil sa panloloko ng iba. Maging mapanuri sa bawat transaksiyon dahil mas mabuting mag-ingat kaysa magsisi sa huli.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page