top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg

Pinaghirapang bonus, huwag hayaang mapunta sa kawatan

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | November 25, 2026



Editoryal, Editorial


Ngayong panahon ng Christmas bonus at 13th month pay, hindi lamang mga manggagawa ang sabik na makatanggap ng dagdag na pera kundi maging ang mga kriminal na naghahanap ng pagkakataong makapambiktima.


Kaya naman mahalagang paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa mga pampublikong lugar, partikular sa mga pamilihan, bangko, ATM, terminal at iba pang matataong establisimyento.


Dapat dagdagan ang mga nagpapatrulyang pulis upang maiwasan ang mga insidente ng pandurukot, panghoholdap at iba pang krimen na maaaring sumira sa masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan.


Hindi rin dapat kaligtaan ang mga online scam na naglipana tuwing ganitong panahon. Kailangang maging maagap ang mga awtoridad sa pagtugis sa mga sindikatong gumagamit ng teknolohiya upang makapanloko at makapagnakaw.


Gayunman, hindi lamang sa kapulisan nakasalalay ang kaligtasan ng bawat isa. Dapat ding maging mapagmatyag ang publiko, iwasang magdala ng malaking halaga ng pera at huwag basta magtiwala sa mga kahina-hinalang mensahe o alok online.


Ang bonus ay bunga ng ilang buwang pagsisikap at pagtatrabaho. Hindi ito dapat mapunta lamang sa kamay ng mga kawatan.


Hamon sa PNP na tiyaking ang pinaigting na seguridad ay hindi lamang hanggang sa anunsiyo, kundi tunay na nararamdaman sa mga lansangan at komunidad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page