Trillanes, nagsampa ng reklamong plunder vs. dating Pangulong Duterte at Sen. Go

ni Angela Fernando @News | July 5, 2024

Nagsampa ng reklamong plunder ang dating Sen. Antonio Trillanes IV nitong Biyernes laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng mga proyekto ng nagdaang administrasyon.
“Ito'y tungkol sa mga government projects totalling P6.6-billion na in-award nila du'n sa tatay at kapatid ni Bong Go. Ito po ay maliwanag na plunder at lahat ng elemento ng plunder charge ay nandirito sa kaso na ito,” saad ni Trillanes sa isang panayam.
Wala pa namang pahayag sa kasalukuyan sina Duterte at Go ukol sa isinampang kaso laban sa kanila. Samantala, nilinaw ni Trillanes na niniwala siyang mas may access ang DOJ sa ibang mga ahensya kaya dito siya lumapit at nagsampa ng kaso.





Comments