Trike driver, pinagsasaksak ng pasahero
- BULGAR

- 10 minutes ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | September 8, 2026

Photo: File
Kritikal ang 45-anyos na tricycle driver matapos pagsasaksakin ng kanyang pasahero sa Brgy. Ligtong III, Rosario, Cavite, madaling-araw kamakalawa.
Kinilala ang biktima sa alyas Ricardo, residente ng lugar. Naaresto naman ang suspek na si “Ivan,” 21, therapist at residente rin ng nasabing barangay.
Ala-1:20 ng madaling-araw, naghahatid ng pasahero si "Ricardo" nang pagbantaan umano siya ng suspek ng, “Kuya, dito ka na rin mamamatay,” bago siya pinagsasaksak sa likod.
Tumakas ang suspek na agad ding naaresto sa follow-up operation ng mga pulis.
Inaalam pa ang motibo sa krimen.





Comments