top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tricycle driver, kumubra sa kalahati ng P142.5M Lotto jackpot

BULGAR
Jan 22, 2023
2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | January 22, 2023


Hello, Bulgarians! Isang traysikel drayber mula sa Calamba City, Laguna ang kumubra sa kalahati ng jackpot prize mula sa Grand Lotto 6/55 draw na binola noong ika-7 ng Enero, 2023 sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.


Matatandaang dalawa ang maswerteng nakatumbok ng kumbinasyong 44-13-19-33-27-39 sa nasabing palaro para sa jackpot prize na P142,580,483.20.






Batay sa salaysay ng 50-anyos na drayber, mahigit sampung taon na siyang tumataya sa lotto at sa katunayan nga raw ay naranasan na rin niyang minsang manalo ng second prize sa parehong lotto draw ilang taon na ang nakakalipas.


Ginagamit na raw niya ang winning combination na ito pagkatapos niyang mahulaan ang lima sa anim na tamang numero sa palarong iyon.


Nang tanungin kung anong plano niya sa nakuhang premyo, ani niya, “Unang-una, ibibili ko ito ng lupa, magpapatayo ako ng mga apartments, private resort at iba pang mga negosyo. Ilalaan ko rin ang iba para sa pag-aaral ng dalawa kong mga anak.”


Hinikayat din niya ang publiko na patuloy na tangkilikin pa ang mga palaro ng PCSO dahil parte ng kita nito ay napupunta at ipinopondo sa iba’t ibang programa at serbisyong medikal ng ahensya.


“Lubos po ang aking pasasalamat sa PCSO. Sa mga kapwa ko manlalaro, patuloy sana nating tangkilikin pa ang lotto at maniwala dahil 'di lang tayo ang nagkakaroon ng pag-asa, maging ang mga taong nabibigyan ng tulong at kalinga ng PCSO. Tunay na darating sa buhay natin ang suwerte.”


Bilang pagsunod sa RA 1169, ang mga nagwagi ay binibigyan ng isang (1) taong palugit mula sa araw ng bola upang kunin ang kanilang napanalunang papremyo.

Pinaaalalahanan ang lahat na ang mga premyo na higit sa P10,000.00 ay may kaakibat na 20% tax alinsunod sa TRAIN LAW.


“PCSO: Hindi Uurong sa Pagtulong”

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page