top of page

Tren ng MRT-7 bibiyahe sa susunod na taon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2021
  • 2 min read

ni Lolet Abania | September 20, 2021



Inaasahang bibiyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit Line 7 sa Abril 2022 bilang bahagi ng test runs ng rail system matapos ang inisyal na shipment ng mga ito na dumating sa bansa mula sa Korea.


Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Timothy John “TJ” Batan, kabilang sa gagawing test runs ay static at dynamic tests para matiyak kung ang mga tren ay compatible sa rail line, at kumportableng gamitin ng mga pasahero.


“Itong MRT7 ay magkakaroon na ng trial runs by April 2022, ‘yan ay sa pagitan ng Station 4 to 8,” ani Batan sa Laging Handa virtual briefing ngayong Lunes.


“Hindi po siya passenger operations, pero makikita na nating tumatakbo ang ating mga tren dahil nakita nga natin itong mga nakaraang linggo ay dumating na ‘yung unang dalawa sa mga train sets ng MRT7,” dagdag ng opisyal.


Noong nakaraang weekend, sinimulan ng San Miguel Corp., ang pribadong kumpanya na nagsasaayos ng MRT7, ang instalasyon ng unang train sets na mula sa Hyundai Rotem ng South Korea.


Ang dalawang train sets na binubuo ng tatlong cars bawat isa ay inilagay na sa MRT 7 trackers sa pagitan ng University Avenue at Tandang Sora, kabilang dito ang anim pang train sets na inaasahang namang dumating bago matapos ang taon, habang marami pang susunod nito sa 2022 hanggang sa lahat ng 108 cars o 36 train sets ang mai-deliver sa bansa.


Ang MRT7 ay isang public-private partnership (PPP) project na nagkakahalaga ng P74.544 bilyon, kung saan isa itong unsolicited proposal ng San Miguel Corp. na may nakapaloob na 25-year build-gradual transfer-operate at pagmi-maintain ng istruktura.


Nakapaloob din sa proyekto ang financing, design, construction, operation, at maintenance ng 23-kilometer elevated railway na mayroong 14 stations na kumokonekta sa San Jose Del Monte sa Bulacan hanggang sa MRT3 North Avenue station sa Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page