top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Trapo at DDS ang nakikinabang sa trabaho ni P-Digong, tsk!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 16, 2021



ANG SUWERTE NG MGA TRAPO AT DDS SA DUTERTE GOV’T.—Matapos aprubahan ni P-Duterte na hatiin sa tatlo ang 2nd district ng Rizal province, na ibig sabihin, ang dating isa ay magiging tatlo na ang kongresista sa distritong ito ay nagpalabas ng executive order ang pangulo na nagtatatag ng bagong tanggapan ng gobyerno at ito ay ang Office of the Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes (OPASGP).


Hindi lang pala trapo (traditional politician) ang suwerte sa Duterte gov’t., kundi pati mga DDS kasi siguradong sila ang maitatalagang mamamahala sa bagong tatag na ahensiya ng pamahalaan, boom!


◘◘◘


MGA TRAPO, MAKIKINABANG SA PAGHAHATI SA TATLO NG 2ND DISTRICT NG RIZAL AT DDS NAMAN ANG MAKIKINABANG SA OPASGP—Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, na kahit hindi nakikita ng publiko si P-Duterte ay nagtatrabaho ito kasi hindi istayl ng pangulo na ipinakikita pa sa taumbayan na siya ay nagtatrabaho.


Nagtatrabaho para sa mamamayan at sa bayan o pagbibigay ng trabaho at pagkakakitaan sa mga trapo at DDS?


Ang makikinabang kasi sa trinabaho ni P-Duterte na pag-aprub na hatiin sa tatlo ang 2nd district ng Rizal province ay ang mga trapo, samantala ang itinatag namang OPASGP ay DDS ang makikibanang, period!


◘◘◘


SAYANG ANG PERA NG BAYAN SA BAGONG TATAG NA OPASGP—Ang mandato ng OPASGP ay labanan ang red tape o korupsiyon sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.


Kung ‘yan ang mandato niyan ay pagsasayang lang sa pera ng bayan ang bagong tatag na tanggapan kasi duplikasyon lang ‘yan ng Anti-Red Tape Authority, Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Office of the Ombudsman, buwisit!


◘◘◘


DDS, NAGALIT SA KAPWA DDS NA SI MON TULFO—Umuusok sa galit na binash ng mga DDS ang kapwa nila DDS na si veteran journalist Mon Tulfo dahil sa sinabi nitong palpak ang Duterte gov’t. sa laban kontra COVID-19, na parang manok na naputulan ng ulo, na takbo lang nang takbo pero walang direksiyon.


Hindi dapat magalit ang mga DDS kay Mon Tulfo kasi nagsasabi lang naman ito ng totoo na wala talagang direksiyon ang tugon ng Duterte gov’t. sa problemang dulot ng COVID-19, kung may direksiyon, dapat tulad na ang Pilipinas ng ibang bansa sa Asya na napagtagumpayan ang COVID-19, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page