top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Trapik, balik sa pre-pandemic level, kaya pa ba?

BULGAR
May 21, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 21, 2022


Titindi pa ang trapik sa Kamaynilaan sa oras na magsimula ang face-to-face classes sa susunod na buwan.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inaasahang lalampas sa pre-pandemic dahil matatandaang bago ang halalan, nasa 400,000 ang karaniwang bilang ng mga sasakyan.


Sa nakaraang dalawang taon ng pandemya, tinataya na mahigit-kumulang kalahating milyong sasakyan ang nadagdag sa mga kalsada, kung saan 60% hanggang 70% nito ay pumapasok sa Metro Manila.


Gayunman, pinag-iisipan ng MMDA ang panibagong number coding scheme para maibsan ang problema sa trapik.


Matatandaan ding kamakailan, naglatag na ng ilang solusyon ang MMDA para mabawasan ang problema sa trapik, kabilang na rito ang daylight savings kung saan maaaring maging alas-7:00 ng umaga ang pasok ng mga kawani ng gobyerno. Gayundin ang decentralization kung saan may mga industriya o sektor na dapat ilipat sa ilang karatig-probinsiya.


Sa totoo lang, hindi na nakakagulat ang ganitong kaganapan dahil halos lahat ay nakakalabas na. Dagdag pa na mas maraming mag-aaral ang balik-eskuwela, gayundin ang mga ilang manggagawa. Ang iba kasi, mas pinipiling gumamit ng pribadong sasakyan kaysa makipagsapalaran sa public utility vehicles (PUVs).


Kumbaga, alam na nating mangyayari ito, kaya ang tanong, gaano tayo kahanda sa oras na magsimulang bumalik sa pre-pandemic level ang trapik?


Bagama’t may nailatag na mga solusyon, ang isa pang tanong, umuusad ba ang mga ito?

Kung puro plano at walang gawa, wa’ ‘wenta ang mga ito. Ang ending, mga motorista at komyuter na naman ang magdudusa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page