Transport group, may lagay din kada buwan.. P1.5M kotong sa mga drayber, buking
- BULGAR

- Sep 21, 2023
- 1 min read
ni BRT @News | September 21, 2023

Arestado sa isang entrapment operation ang dalawang pulis at isang sibilyan sa Bacoor, Cavite dahil sa pangongotong.
Ayon sa Philippine National Police, umaabot sa higit P1.5 milyon ang nakukuha ng mga pulis mula sa naturang aktibidad sa iba’t ibang drayber at transport groups kada buwan.
"Two police non-commissioned police officers, both assigned in Cavite, and their civilian accomplice were arrested," sabi ni PNP Chief Benjamin Acorda, Jr.
Kinilala ang mga nahuling pulis na sina Senior Master Sergeant Joselito Bugay at Staff Sergeant Dave Gregor, habang ang sibilyan na sinasabing kasabwat nila ay si John Louie De Leon.
Ayon sa pulisya, hinahanap pa nila ang isa pang suspek na si Edralin Gawaran, ang namumuno sa Bacoor Traffic Management Department.
Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Acorda ang pagsibak sa hepe ng Bacoor City Police Station dahil sa sinasabing command responsibility.








Comments