top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Transfer for sale’ sa titser, talupan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2024
1 min read

@Editorial | Marso 9, 2024


Kamakailan nang ilang guro ang nagsumbong kaugnay sa paniningil umano sa kanya para makalipat ng lugar ng pagtuturo.


Kaugnay nito, sinimulan na rin ng Department of Education (DepEd), ang kanilang sariling imbestigasyon hinggil sa isyu.


Ilang guro sa Palawan ang naghain ng reklamo matapos umano silang singilin ng P30,000 para makalipat ng ibang lugar.


Sa isang pahayag ng tagapagsalita ng DepEd, ang ganitong uri ng aktibidad ay malinaw na ilegal at hindi ito kukunsintihin ng DepEd.


Hindi pa mabatid kung ang ganitong kalakaran ay nangyayari sa Palawan lang o sa iba pang paaralan sa bansa. Bagay na dapat matukoy sa lalong madaling panahon.


Sakaling totoo man ang sumbong, nakakadismaya dahil nakalusot ang gawain na maituturing na korupsiyon.


Kaya apela sa DepEd, talupan ang isyu at panagutin ang mga sangkot dito.


Marapat ding mailahad ng kagawaran kung ano ba ang pamantayan sa paglilipat ng lugar ng pagtuturo. Kailangang malinaw at hindi alanganin sa mga titser lalo na kung kinakailangan talagang mag-transfer. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page