top of page

Trak na puno ng bomba, sumalpok sa bahay... Defense Minister ng Mali, todas sa suicide bombing

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | April 29, 2026



Malian Def. Minister Sadio Camara. Fanny Noaro-Kabre-AFP


Nasawi umano ang Defense Minister ng Mali na si Sadio Camara matapos ang isang suicide truck bombing sa kanyang tirahan malapit sa kabisera na Bamako, kasabay ng malawakang coordinated attacks sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Ayon sa mga ulat, isang sasakyang puno ng pampasabog ang sumalpok sa kanyang residence sa Kati, na umano’y isinagawa ng mga militanteng grupong konektado sa al-Qaeda.


Nasawi rin ang ilang miyembro ng kanyang pamilya at mga sibilyan, matapos gumuho ang bahagi ng gusali at maapektuhan ang kalapit na mosque.


Kinumpirma ng state media na si Camara ay namatay dahil sa tinamong mga sugat, matapos umanong makipagbakbakan sa mga umatake bago siya dalhin sa ospital.

Samantala, iniulat din na nailikas si junta leader Gen. Assimi Goïta matapos umanong ma-target din ang kanyang tirahan.


Ang mga sabayang opensiba ay iniuugnay sa mga jihadist group na kaugnay ng al-Qaeda at Islamic State, pati na rin sa separatist group na Azawad Liberation Front na aktibo sa hilagang bahagi ng bansa.


Kasabay nito, lumabas din ang ulat ng pag-atras ng mga Russian mercenaries na kasama ng militar ng Mali sa ilang lugar sa Kidal matapos ang ilang araw ng bakbakan, bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Russia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page