Trademark ng 'Eat Bulaga' ng TAPE, kinansela ng IPO
- BULGAR

- Dec 5, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 5, 2023

Nagdesisyon ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na pabor sa trio na 'E.A.T.' na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang kaso na trademark cancellation laban sa Television and Production Exponents (TAPE) Inc.
Noong nakaraang Agosto, pinagbigyan ng IPOPHL ang hiling ng TAPE para sa pagpaparehistro ng trademark na "Eat Bulaga!" at ang logo nito sa loob ng 10 taon.
Sa isang desisyon na inilabas ngayong Martes, itinakda ng IPO na ang mga petisyonaryo — o kampo ng TVJ — ay may absoluto at eksklusibong karapatan na magparehistro ng trademark para sa "Eat Bulaga" o "EB" matapos matuklasang nagbigay sila ng sapat na ebidensya na sila ang orihinal na nag-imbento ng terminolohiya.
Sa desisyon nito na may petsang Disyembre 4, sinabi ng IPOPHL na matagumpay na naipakita ng TVJ na sila ang unang gumamit ng markang 'Eat Bulaga.'
Sinabi ng IPO na nabigo ang TAPE ipaliwanag nang sapat ang kanilang pag-aangkin sa pangalan ng "Eat Bulaga."
“The Petitioners proved that it is the originator and owner of the contested EAT BULAGA mark. Petitioners’ explanation or story on How initially the idea of the EAT BULAGA mark came about, did seem believable and credible," saad sa desisyon ng IPO.





Comments