top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Trabaho para sa 'pandemic graduates'

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2023
1 min read

@Editorial | April 14, 2023


Problema pa rin ang employment ng fresh graduates o mga nagtapos nitong kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID-19.


Ito ang isa sa mga isyu na dapat tutukan ng gobyerno at sa tulong na rin ng pribadong sektor.


Kaugnay nito, may mga mungkahi na magkaroon ng programa ang pamahalaan upang maitulay ang fresh graduates sa paghasa ng skills na hindi masyadong natutunan dahil sa online class.


Sa pamamagitan ng programa, may pagkakataon ang mga tinatawag na 'pandemic graduates' na maabot ang standard na hinahanap ng mga kumpanyang aaplayan.


Ayon sa datos, hirap makahanap ng trabaho ang mga fresh graduates dahil kulang sa soft skills at practical job skills na sana ay nahasa sa face-to-face classes.


May ilan ding naku-culture shock dahil iba ang expectation na itinuro noong nag-aaral pa lamang kumpara sa mismong pagtatrabaho, at ito ay nagpapakita lamang ng kakulangan sa kahandaang magtrabaho.


Kaya ang panawagan sa mga ahensya ng gobyerno na sumasakop sa usapin, mas tutukan ang problemang ito. Tulungan natin ang mga kabataan na maabot ang kanilang pangarap na makapasok sa trabaho na kanilang inaasam.


Bigyan natin sila ng pagkakataon na maging mas handa at may laban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page