top of page
Search
  • BULGAR

Trabaho Para sa Bayan Act, aprub

@Editorial | September 28, 2023


Sa hangaring mas madagdagan ang trabaho sa bansa, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Trabaho Para sa Bayan Act.


Ang nasabing batas ay naglalayon umanong tugunan ang unemployment, underemployment at iba pang mga hamon sa sektor ng paggawa.


Magbibigay din ng suporta ang batas sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), at mas palalakasin ang employability at competitiveness ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng upskilling at reskilling initiatives.


Upang masiguro na maayos na maisasakatuparan ang batas, pamumunuan ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council upang magsagawa ng komprehensibong pagsusuri sa sitwasyon sa trabaho at labor market sa bansa.


Ang trabaho ay ang isa sa mga hinaing ng taumbayan, kaya good news ito dahil ngayon ay nahaharap tayo sa napakaraming krisis katulad na lamang ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng bilihin at mga produktong petrolyo. Malaking tulong ang batas na ito upang may mapagkukunan ng panggastos.


Kung mas makakalikha ng maraming trabaho, tiyak na gaganda at uunlad ang ating ekonomiya. Likas naman na sa mga Pinoy ang pagiging masipag at matiyaga, sadyang kulang lang sa oportunidad.


Hiling natin na mas mapalawak pa ang batas na ito upang maraming Pilipino ang matulungan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page