top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Trabaho pa more para mabilis makabangon

BULGAR
Dec 8, 2022
1 min read

@Editorial | December 8, 2022


Good news na bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 2.24 milyong Pilipino na lamang ang walang trabaho nitong Oktubre 2022 kumpara sa 2.50 milyong Pinoy na walang trabaho na naitala noong Setyembre 2022.


Nangangahulugan ito na nasa 4.5 porsyento na lamang ng populasyon ng Pilipinas ang walang trabaho noong Oktubre kumpara sa 5% na naitala noong Setyembre.


Ito na umano ang pinakamababang unemployment rate na naitala simula ang pre-pandemic noong Oktubre 2019.


Ang services sector ang nanguna bilang top employer na may 59.2% share sa labor market. Sumunod ang sektor ng agriculture at industry sectors na may 22.5% at 18.3%.


Trabaho ang masasabing isa sa pangmatagalang solusyon sa kinahaharap nating krisis. Kung may kayod ang mamamayan, mas may laban ang bayan sa hindi makontrol na taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo. Kahit paano ay may mapagkukunan ng panggastos.


Kaya patuloy ang panawagan sa gobyerno na mas palawakin pa ang mga negosyo sa bansa na magbubukas ng maraming trabaho.


Gustuhin man ng karamihan na magnegosyo, wala namang sapat na kakayahan para mamuhunan. Kaya mainam na rin na magtrabaho muna saka mag-ipon pang-negosyo.


Positibo ang ating pananaw na magiging mas okay din ang kalagayan ng ating ekonomiya. Patuloy lang na magsikap, lumaban nang patas at higit sa lahat, manalig sa Kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page