top of page

Trabaho, apektado… XYRIEL, PROBLEMADO SA MENTAL HEALTH, NAMUNDOK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 24, 2026



WINNER - XYRIEL, PROBLEMADO SA MENTAL HEALTH, NAMUNDOK_IG _xyrielmanabat_-Xyriel Manabat

Photo: IG @xyrielmanabat



Inamin ni Xyriel Manabat ang pinagdaanan niyang matinding pagsubok sa mental health. Thankful siya dahil nalampasan niya ito at ngayon ay buhay pa rin siya.

Isinalaysay ni Xyriel sa Instagram (IG) ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong at sumuporta sa kanya sa mga panahong nag-i-struggle siya.


Labis na naa-appreciate ni Xyriel ang adventure niya sa Mt. Pinatubo kung saan inilarawan niya ito bilang ‘beautiful disaster’.


Caption ni Xyriel, “I’m still alive, Hallelujah.


“Magiging senti and vulnerable muna this morning kasi I don’t think I’ll ever fully have the words for how much this meant to me, pero thank you truly to everyone who respected my need to step back, who supported me quietly, and who showed so much care during a time I was really struggling.


“Taking (admitting/acknowledging that I need) mental health break wasn't easy (lalo na po sa work ko sa dami ng workloads at packed sched), and I asked for it from a place of exhaustion and desperation. The kindness, understanding, and patience you all gave me in return... I felt every bit of it. It helped me breathe again.”


Sobrang grateful daw si Xyriel sa nagpakita ng kabutihan, pang-unawa, at pasensiya sa kanya.


Pagpapatuloy ni Xyriel, “I carry so much gratitude for all of you. Thank you for giving me the space and time to heal. Akala ko dati, matapang at malakas ang pag-conquer ng mga silent battles nang mag-isa at nagdurusa nang walang ibang nakakaalam. Akala ko matibay ako ‘pag nakayanan ko lahat nang sinasarili at itinatago sa mundo ang bigat na buhat ko, pero na-realize ko ang pinakamatapang pala na kaya kong gawin para sa sarili ko ay umamin at manghingi ng tulong. ‘Di sign ng kahinaan ang paglapit sa iba at pagtawag na dinggin ang mga sigaw mo. ‘Yun ang pinakamatapang na nagawa ko para sa sarili ko.


“Thank you po sa mga clients, co-workers, brands na naintindihan kung bakit ‘di ako kaagad makaka-comply at pinilit akong unahin ang mental health ko. Mahal na mahal ko po kayo. Salamat po! Thank You, Lord.”


Sa kasunod na IG post ni Xyriel, pinasalamatan din niya ang kanyang sarili.

Say ni Xyriel, “At s’yempre, salamat sa sarili ko na patuloy lumalaban, natututo, at tinutulungan ang sarili. At salamat sa mga taong naging sandigan ko, mga taong ‘di ko kinailangang magsalita pero rinig ako. And special thank you sa @gioooometryyyy at @ravenrigor_ ng lyf ko. May mga na-witness kayo na live na live na para bang nagbabagang balita, pero hinayaan ninyo ako. Salamat.”


First hike raw ni Xyriel Manabat ang adventure na ginawa niya sa Mt. Pinatubo. Isang masayang alaala ang nakuha niya papunta at mula sa naturang lugar.

Wow!





PUNO ng pagmamahal ang mensahe ni Dimples Romana para sa kaarawan ni Angel Locsin. 


Nag-celebrate ng kanyang 41st birthday ang aktres kahapon, April 23.

Ipinost ni Dimples ang old photos nila ni Angel. 


Caption niya, “From running with wolves to cooking in Korea, to riding horses in Australia, and exploring the outback, through sunshine and rain in Milan, sa bawat baha, sakuna, crisis man, at sa kahit saan pa, sa bawat oras, to everything here and there, lagi lang akong kasama mo mars @therealangellocsin.


“18 years of friendship. To the most genuine and generous heart of hearts, love you, happy birthday my Lyka -Trixie.

“Love you lagi lagi. See you later.”


Dagsa naman ang bumati kay Angel sa IG post ni Dimples. Mensahe ng mga netizens:


“Happy birthday, my idol! @therealangellocsin.”

“Happy birthday @therealangellocsin. More graceful years to you.”

“Happiest birthday our real angel on earth! @therealangellocsin.”


May humirit din na faney ni Angel sa comment section na mag-comeback na ang aktres sa showbiz.


“Happy birthday real-life Darna. Miss ka na naming makita sa TV. It’s been so so long. Comeback na please @therealangellocsin.”


Convince pa more! Malay n’yo, pagbigyan kayo ni Angel Locsin.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page